44 Replies
Depende sayo or kay baby mommy. Kung may budget naman, cloth na, magastos man sya isang bagsakan actually mas tipid sya kasi lalabhan mo na lang. Ok din ang cloth lalo kung sensitive ang balat ni baby. Pero kung d kaya, diaper na lang, tipid sa time kasi mabilis lang ikabit, wala na need labhan, mejo magastos nga lang in the long run kasi maya't maya ang pagbili.
For me? Kung pag titipid pag uusapan Parang same lang kasi hndi ka din naman nakka tipid sa cloth diaper mag lalaba ka sabon tubig kuryente pa kung gaggamit ka ng washing at dryer kasi tag ulan na at pagod pa kasi mayat maya ang palit ang kagandahan lang nkaka tulong ka sa kalikasan ππ
Mas gusto ko ang diaper. Para pag puno na ng wiwi o pupu, itapon na agad. Sa cloth diaper kasi need labhan agad unless madami ka stock para kahit di agad labhan at maipon. Hassle sya saken lalo na kambal ang anak ko kaya disposable diaper na lang ako.
Cloth diaper if may time ka maglaba and sa bahay ka lang kasi need siya icheck from time to time unlike sa disposable diapers. For me malaking savings ang cloth diaper and evironment friendly.Cloth diaper sa daytime sa gabi nman disposable diaper
Depende sa commitment to cloth diaper. Kailangan labhan mabuti at palagi. π *disposable user kame pero may ilang cloth diapers kame for presko time and now, potty training na..
para sa akin diaper mismo nasayo kung masipag ka maglaba kasi isipin mo magkano pack ng sabon tska pagod mo pa paglalaba parang hindi ka din naman nakatipid pag ganon..pero try mo din
Depended po sa inyo mommy.. mas practical ang cloth pero di ko sya ginamit sa anak ko kasi na-hassle ako mag-laba. wala naman ako helper and fulltime working ako
ako diaper talaga eh..nahirapan kasi ako ng laba ng laba nung tinry ko mag cloth diaper..saka sandalian lang sa anak ko..parang every hr palit agad
maganda cloth diaper kung may tagalaba ka po... hassle kasi siya kasi dapat laba agad, dun pa din ako sa diaper...
Normal diaper nalang mamsh , di kasi natin alam kung clear na malinis pag kalaba baka ma rashes pa si baby mo π