Ano po kayang dapat gawin para pumusisyon na si baby (cephalic)? Halos lahat na ata na try ko na (pwera pahilot). Lagi ko din po sya kinakausap at lagi din akong nagdadasal .. Napaparanoid na po ko sa sobrang worried sa position ni baby sa loob ng tummy ilang beses na po kasi ko nagpa-ultrasound (trans-v, CAS, 8mons) laging nag bbreech position si baby pero pag OB ko na nagchecheck-up cephalic na position nya parang nang-aasar na ewan? Kaya po na ttrauma na din ako sa ultrasound. 😁 Ayoko po kasing ma CS bukod sa mahal financialy wala po akong katuwang na mag-aalaga kay baby mahirap po kasi kumilos agad kapag CS may 7years old din po akong panganay na ginaguide sa online class at yung mga gawaing bahay in short po kami lang naiiwan sa bahay kapag pumapasok sa work yung asawa ko. Minomonitor ko po heartbeat ni baby using stethoscope kapag nasa pinaka bandang ilalim yung heartbeat which is malapit na sa pubic hair napapanatag ako kasi based sa OB ko kapag ganon daw cephalic na yung position nya pero halos araw-araw kada gigising ako umaakyat minsan yung tunog ng heartbeat nya minsan sa ilalim ng pusod minsan sa left minsan sa bandang right naman ng pusod pati hugis ng tyan ko iba-iba kada gigising ako minsan parang ayoko na matulog wag lang mag-iba position ni baby kasi feeling ko araw-araw nag-iiba position ni baby. 😅 Masaya naman po ako knowing na hyper si baby kaya lang kabuwanan ko na feeling ko wala pa din tigil si baby kakaikot parang di pa din nya naghahanap yung dapat nyang labasan normal delivery naman po ako sa panganay ko wala naman po naging problema noon kaya lang 7years ago na. Sana po may makasagot. Thank you in advance mga ka momshie. 💖 #advicepls
Cheng Costillas