TRAUMA SA ULAN NG MGA BATA
Ano po kaya pwedeng gawin sa anak ko na 3 years old? Kapag umuulan grabe ang iyak niya parang nato-trauma sa ulan. Nagsimula past few days lang nung nagstay siya 1 day sa bahay ng lola ko. Pagbalik dito sa bahay nung umulan nagtatakip na ng tenga, umiiyak at sumisigaw na. Nabo-bother na ako sa nangyayari sa kanya. Ginagawa ko nilalagyan ko earphone pero hindi pa rin effective.
Ganyan po 3 yrs old ko na anak mi, nung mag 1 yr old siya grabe nakakaawa pag naulan kasi nanginginig talaga siya sa takot, kahit lang may dumapo na ibon sa bubong takot siya kala niya naulan. para kasing natrauma siya nung 1 time pauwi kami naabutan kami malakas na ulan parang nag iipo ipo yung hangin kaya pati payong namin nasira, niyakap ko siya nun ng mahigpit habang nagdadasal ramdam niya takot ko kaya pati siya natakot na din. pero nito lang mga nakaraan pinipilit ko siya harapin takot sa ulan. yung papa niya naliligo sa ulan at pinapakita na nag eenjoy hanggang kalaunan napilit namin siya na makisabay maligo sa ulan kahit saglit sa ngayon po di na siya takot sa ulan. thanks God talaga
Magbasa panagugulat kse cla mommy.. bka bglang ulan ng malaks tapos my kulog at kidlat pa. kumbaga, bago sa pandinig nila kaya gnon ung reaksyon nila. baby ko din biglang yumayakap sken pag bglang buhos ng ulan tpos malakas pa. pero dipa naman umaabot sa umiiyak sya or ngtatakip ng tenga. kse pag my ganong scenario, sinasabi ko lang 'ang lakas ng rain no baby'.. habang nkahug ako sa knya.
Magbasa pabaka po tinakot sya sa bahay ng lola nyo. try nyo po sya panoorin ng youtube ng mga batang naliligo sa ulan. kung sa kulog at kidlat, try nyo po sabihin na pinipicturean sya. try nyo din po sya ipagshower sa cr, kunwari ulan kamo. kawawa naman. unti untiin nyo lang po para di rin sya mabigla.
ganyan anak ko same age sila, dahil sa kulog at kidlat nagugulat sila kaya natakot, pero sigurado ako masasanay din yan yung anak ko dina takot pag naulan. sabihin mo lang palagi sa anak mo na " hindi naman takot si mama hindi din takot si baby ok".
Natry ninyo po kausapin bakit siya natatakot sa ulan? Baka pwede rin po try gawing enjoyable ang ulan, gawing positive, happy experience. Pero wag pilitin kung talagang nagmemeltdown na. Make sure walang nananakot sa kanya na iba kapag umuulan.
nakakaawa ang bata,siguro pinagluloko nung babagsak ang ulan,bilhan mo muna sya ng ear mop yung sakop na sakop ang tenga nya.ipasuot mo muna sa kanya kapag uulan.pero untiuntiin mo kalaunan.kumbaga e divert mo muna ngayun ang fears nya
minsan rin kc sa mga kasama nya baka tinatakot siya sa ulan .. ganun yung baby ko at that age din, dati hindi takot sa ulan ngayon takot na .. 😞
kinantahan siguro sya ng rain rain go away yung nakakatakot na palabas o kaya baka pinanood kya siguro natatakot anak nyo
Comfort him and explain na wag matakot at assure him/her na nanjan ka for him/her.
Mom of a toddler