Tips for first time mom

Ano po kaya dapat gawin kapag naging maligalig na si baby lalo na kapag gabi? Pag pinadede ko po at napalitan na nag diaper naiyak parin. Pag binuhat ko naman po at idapa sa dibdib ko at tapik tapikin itinutulak ako😥 Naiiyak na din po ako minsan kasi diko na alam ang gagawin ko. Nagagalit na asawa ko sakin kapag naiyak siya sa gabi kasi napupuyat po siya at may pasok pa po kasi siya kinabukasan 1 month old palang po siya😭#1stimemom #advicepls #advicepls

Tips for first time mom
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maligalig pa po talaga yang ganyang month since nag aadjust pa po sila. Trial and error lang din po lagi kame. If nagawa nyo na yung mga sinabe nyo tapos maligalig pa din.. baka po may kabag or may masakit sa kanya. Check nyo po ang tyan if matigas. Naglalagay po kame ng konteng aciete de manzanilla. Tapos eto pa mommy.. mas gusto nila nakatayo yung may karga sa kanila. Works everytime. Kaya mo yan mommy. Makukuha mo din ano gusto ni baby.

Magbasa pa
4y ago

sige po thankyou po hehe