Rashes ni baby
Ano po kaya best na gamitin para mawala yung rashes ni baby girl ko.. 19 days old pa lang ang baby ko and nakikita ko na hindi sya comfortable. #advicepls #pleasehelp
ano va alaga ginagawa mo sa anak mo😪 kawawa ah.. halatang tinitipid mo sa diaper.. nababaran yan kaya ganyan. Dry diaper gamitin mo wag plastic.. 3-4wiwi palit agad.. pag poop nya lnisin mo maigi at lagi mo patuyuin bago lagyan diaper.. wag mo din lagyan pulbos.. 15.lang ako nung nagka anak ako pero di nagkaganyan.. alagaan mo ng maayos
Magbasa pasana maliit palang ang rashes ginamot mona sis . mahapdi yan kawawa naman si baby . better use lampin nalang kung wala budget pang diaper kesa tipirin mo si baby kawawa naman . kung nagtatae si baby better wash it with soap & water pabulain mo yung sabon medyo oily kasi ang poop kaya yan nagko.cause ng rashes kapag hindi nalinis ng maayos . wag pababaran sa wiwi .
Magbasa patry nyo po yung in a rash ng tiny buds.. effective sya kay baby ko.. kaso madami na po masyado rashes ni baby mo pacheck up mo na po sa pedia nya. pra mabigyan kayo ng gamot.. and need po talaga palit agad ng diaper pag may poo poo or wiwi si baby.. baka hindi din po sya hiyang sa diaper at sabon nya.. kawawa naman.. ang sakit sakit pa naman po nyan..
Magbasa pahala bat naman po nagkaganyan na mommy😢😢 pag newborn pa lang much better na gumamit po ng diaper na air pro. ang panlinis din ng poop nya is cotton and warm water lang,kung gagamit po ng wipes is unscented and for sensitive skin. dapat may naka-ready ka din po laging cream for rashes,kc di natin alam ang skin type ni baby pag newborn pa lang.
Magbasa paButi na lng baby ko di nakaranas ng rashes sa pwet. may eczema si baby pero pwet nya lng di nakaranas nyan. alagaan nyo ng maigi si baby. lalo na sa gabi, kapain nyo po yung diaper nya, pag nakapa nyo at lalo na feel mo nabasa na change na nga diaper. ako nung newborn si baby I always check his diaper. kasi Takot ako magka rashes sya. until now.
Magbasa paHi Mommy, medyo grabe po ang rashes ni Baby. Fungal infection na po yan, change nyo po ang diaper nya or diaper size nya. Maximum of 4hrs lang po ang diaper. Pacheck na po sa pedia para maresetahan ng cream, no oral medication po. 19 days old palang si baby. Please don't self medicate din po, masakit po yan kaya irritable talaga si baby
Magbasa pawala akong alam sa new born baby pero nalagaan ko siya ng mabuti hindi nagkaganyan..sana man lang habang buntis ka nag babasa ka sa mga bagay2 na tungkol sa bata.. para iwasan ang dapat iwasan, o kaya mag papedia ka kung wala ka talaga alam..jusko baby pa masyado naawa ako..be sensitive po mamshie lalo na kay baby..alagaan mo siya ng mabuti
Magbasa paBakit po nagka ganyan pwet ni baby?! Dpat ung medyo mapula plang ng kunti ginamot nyo na po, or kung tipid nman sa diaper sana ndi nio nlang sya muna. Nilalagyan diaper tyagain nyo po mag wash in wear Kasi pag ganyan dpat ndi binababaran yan ng diaper l, mabilis lang pati magkaroon ng rashes ang mga baby 😢
Magbasa pasis wag sana tipirin si baby sa diaper.at wag din katamaran palitan.kawawa naman🥺 lagi linisin..sa totoo lang tingin koy napabayaan e.kawawa. ang hapdi nyan.ngayon wag mo na muna pag diaperin.hayaan mo nlng muna buyangyang o di kaya cloth diaper gamitin mo..tsk! ako nasasaktan🤦♀️😢
kawawa naman c baby,wag po kau mgpapa wla den petroleum jelly,ok den po un sa rashes,at palitan nyopo diaper nya ng ibang brand,para po mabilis mwala yan pacheck up nyonapo muna kac kawawa na kac ointment npo rereseta nya,pero kong dipa masyado ka grabe petroleum jelly ok po un sa rashes ng baby.
Excited to become a mum