Rashes ni baby
Ano po kaya best na gamitin para mawala yung rashes ni baby girl ko.. 19 days old pa lang ang baby ko and nakikita ko na hindi sya comfortable. #advicepls #pleasehelp
change po ng diaper wag po ibabad sa pwet ni baby 24/7 at wag po wipes ipang linis warm water tapos cotton po para sure malinis then kapag mag change ng diaper dapat po dry talaga yong pwet nya para di makulob. pero kung ganyan na po kalala much better pa advice na kayo sa pedia.
Bt mo hinayaang lumala ng ganyan? ikaw ba pag may rashes, pinapatagal mo pa? makati at nakakairita db ? Ganun din si baby. Paano ka nakakatulog knowing na nahihirapana anak mo? ipapedia mo na. Saka iwasan mo na ung nakagawian mong diaper at wipes, baka un ang cause.
grabe nman. kawawa si baby. inabot nang ganyan rashes nya. alerto ka dpat at baby pa yan, di yan mkakadaing. dpat kaunti pa lng ang rashes nya, inaaagapan mo agad. wag mo na muna pag diaper. tyaga ka muna sa lampin at palitan mo agad kapag nag poop or umihi
check mo po time to time si baby mommy kase lampein user ako pero di nagkairitation si baby basta well monitored yung diaper ni baby bahala na saglit lng magamit Yung diaper basta malinis at hiyang si baby .. kawawa po kase si baby sya magsuffer
kawawa naman c baby..nababad sa ihi yan kaya ganyan..bat inantay mo pa na lumala ung rashes parang paltos na tuloy xa..mag lampen ka nalang if di kaya ng budget ang maya maya n palit ng diaper..inaantay mo pa ata mapuno diaper bago mo palitan..
Its better gang may rashes pa si baby lampin nalang muna gamitin,, tyaga tyaga nalang muna,, para hindi mababad sa wiwi,,, baka naman po may poop na hindi agad napalitan kaya nag couse nang ganyan,, sobrang iratable si baby jan,,,
ouch ang hapdi nyan 😔Ako every 3 hours ako nagpapalit diaper kahit kunti pa ihi nyan. Tsaka warm water panlinis ko gamit cotton tsaka make sure na tuyo bago ilagay ang diaper. 3 months na baby ko never nag ka rashes.
Mommy sorry po pero naawa ako kay baby mo, ako sa anak ko konti butlig lang inaagapan ko na masakit yan, mahapdi. Lalo na baby pa yan. 😢😢 Wag po tayo mag self medicate, pag gnyan ipatingin niyo po agad sa pedia.
pacheck nyo po sa pedia mumsh para mabigyan kayong ointment muka ng mahapdi e.. for the meantime po wag nyo po muna lagyan ng diaper si baby and wag munang gamitan ng wipes. maligamgam na tubig lang po ipang pahid nyo.
ako po petroluim jelly ginamit ko kay baby girl ko 2nights din po siya di komportable matulog yun pala may rashes na siya..ngayun po wala na rashes niya,tsaka naka cloth diaper na po siya pag mainit yung panahon.