Help me please
Ano po kaya Ang pwedi Kong igamot Dito Minsan po kasi nag dudugo na din po Dito sa leeg Ng baby ko e...please help me po first time mom lang po #advicepls #1stimemom
After maligo po ni baby, tuyuin pong mabuti. Pag magpapadede naman po lagyan ng bib yung sa may leeg nya. If possible pahanginan po palagi. Pwede nyo rin po lagyan ng Calmoseptine. Effective po sya sa mga baby ko
sa baby ko po DESOWEN, nagganyan dn po anak ko sobrang init kse kht mayat maya punasan, ngsusugat po. kaya pinacheck up ko . DESOWEN po nireseta ng pedia. effective nmn po. ska po cethaphil ang body wash.
Alagaan nyo po sa punas ng bulak with warm water. Always check po si baby pag may tumulong milk and pag naglungad. Warm water lang po sa bulak dampi dampi kasi sugat na sya kawawa naman.
nagkaganyan din baby ko nung ilang buwan pa lang sya nilagyan ko lang po ng calmoseptine tsaka bl pati pulbo nawala po sya agad yan po dati yung leeg nya nung ilang buwan pa lang sya
Ganyan din po sa LO ko dati mommy ang ginawa ko lang po is alaga lang ng warm water and bulak yun po panlinis sa leeg ni LO mommy tapos lactacyd baby wash po pag maliligo po siya
pacheck up na po mommy sa pedia.. kawawa si baby 🥺 pahanginan niyo lang po muna leeg niya para di mamawis lalo.. tapos dampi lang pag punas sa part ng leeg niya
in a rash mie tapos iwasan mu laging matuyuan ng pawis lagyan mu din baby powder ng tiny buds yan partner para sa rashes both safe and effective .. #lovelybaby #rashesfree
aveeno ang nirecomend ng pedia para sa ganyan ni baby ko noon... so fsr effective... pero try mo din lactacyd baby wash... follow instructions sa box
nag ganyan din baby ko pero di naman nagdugo. always lang linisin habang naliligo then iwasan matuluan ng milk, make sure na tuyo din lagi.
nagka ganyan din po ang baby ko pagkatapos nyo pong liguan si baby lagyan nyo po nang pitroliom jelly po yan po ang nilagay ko sa baby ko