Breastfeed

Ano po iniinom nyo para magkaron ng maraming gatas? #1stimemom #advicepls

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit naman po wala kang tinetake na lactation supplements or yung mga gamot, as long na nakakakain ka naman po at hindi nalilipasan okay na po iyon kahit walang specific na kinakain kung ano man po ulam ng pamilya nyo ganon din po kinakain nyo. Magic 8 or Unli Latch is the key mommy! law of supply and demand ang milk natin, it means po the more na nade-drain the more na nagpro-produce ang milk. Magic 8 po ang tinatawag kasi eight times a day or every three hours laging mag pupump, yes po kahit madaling araw magpupump po kayo πŸ˜… Best pumping time po 12AM, 3AM, 6AM, 9AM, 12NN, 3PM, 6PM and 9PM basta po every three hours then 15 minutes naman po ng pumping pwedeng 30 minutes din. Basta mommy lagi pong nadre-drain ang inyong boobies 😊 Subok ko na po itong magic 8 na to and effective naman po saken, wala po akong specific na pagkain at tinetake na lactational supplements. Pero dipende naman po sainyo yan mommy kung hiyang po kayo mag take ng mga lactational then go for it po πŸ€—

Magbasa pa
3y ago

Kahit po konti lang makuha nyo na gatas sa unang pumping ituloy nyo lang po yung magic 8 kasi ganon po talaga sa unang pump tsaka iwasan nyo po mastress at tumingin milk while pumping kasi ako pag tinitignan ko pinupump ko tapos konti lang na-stress lang ako tapos lalo tuloy kumokonti πŸ˜… basta lagi nyo pong tatandaan na Law of Supply and Demand ang milk natin! The more na nade-drain The more na nagpro-produce 😊 Tiyaga lang po mi πŸ€—