8 Replies
mataas sya mamsh. Diet ka po, less ka rice, white bread, pasta, fries, potatoes, sweets, softdrinks, ice cream etc. lahat po NG mabilis makataba. Mahirap sa umpisa mamsh, pero masasanay ka din. More on fruits and veggies ka po para matagal ang busog, plus more more more water.. 1/2 rice kahit madaming ulam, basta bawasan ang kanin. Brown rice mas better.. sa bread wheat bread po or kung wala sky flakes pantanggal gutom🙂 magkaron ka din po sana NG food diary mamsh, gaya NG binigay sken NG endocrinologist ko, kaya nakamonitor ako NG sugar ngyon eh, medjo mataas din sugar ko, kesa mauwi sa insulin pinipilit ko nalang mag diet. Balik tau sa food diary mamsh, sulat mo breakfast mo ako anmum + 2packs sky flakes, AM snask fita/sky flakes + water, lunch depende sa ulam + 1/2 na cup NG rice pero nasanay nako kaya naging 1 sandok nalang, minsan Dko pa maubos, PM snack hansel cracker/ fita +water ulit, dinner left over na ulam tas ilang kutsarang kanin😉 sa case ko kasi mamsh, since nabuntis ako naging maselan ako sa ulam, ayoko po NG inuulit, kaya siguro nakatulong din un sa diet ko, medjo nabawasan ako kumaen NG kumaen😅 ganon lang rotation mamsh, ikaw po depende sayo kung gagayahin mo po😊
parehas tayo mommy 7.5 din HABANG nagbabasa ako ng mga comments natatakot ako😂 tinatanong ko pa sa sarili ko bakit kasi naging matakaw ako sa kanin simula second tri. ko samantalang nun di ako buntis puros diet ako halos di ako kumakain ng matatamis lalo na kanin kasi nga adik ako sa Pag workout sa gym.Pero nun nabuntis ako lalo na nasa 2nd Tri. tatlong beses isang araw na ung rice ko at mga diko kinakain nun dipa ako buntis nakain kuna lahat😔😔 Kaya natatakot din ako lalo na't mag history Ang family namin sa diabetis..Kaya nun sinabi sakin ng doctor ko na bawasan ko daw ung rice binawasan ko na Dina ako nagririce sa umaga oatmeal at anmum na talaga at gulay Kung Meron .tapos sa tanghali kunting rice lang tapos ulam kng anung Meron na ulam tapos sa Gabi kunting rice na nman tapos ulam at gatas..mahirap man pero kayanin para Kay baby...Sa CAS result ko nman okey naman si baby ung timbang at at laki niya naaayon naman siya sa weeks niya..Pero syempre diet parin para kapag magpalaboratory ulit ako okey na hopefully 🙏🙏🙏
Mamsh mataas din result Ng ogct ko Sabi Ng ob ko magdiet ako two weeks after two weeks pinaglaboratory nmn ako Ng ogtt para malaman Kung may gestational diabetes ako ayon buti na lng Isa lang mataas ko no need na daw ako mag insulin...
pwedw po ba brown rice?
Mataas po sugar..need mag diet..pwedeng mgka gestational diabetes..maging malaki si baby at prone ka sa ecclampsia.
salamat mi .wala kasi ob ko nasa bakasyon ..start nalang akong magdiet ,.tubig tubig nalang din par mas sure
Mataas po yung naka indicate kasi na normal value 0.00-7.20 yung sayo 7.55 sumubra
slightly elevated daw mi ..
Mataas po sa normal ang sugar mo mommy
iwas po kayo sa carbo, more on veggies. mahirap po pag mataas sugar delikado po sa inyo ni Baby. try nyo po bil ng glucometer pang monitor ng sugar daily.
Anonymous