CS experience
Ano po experience nyo maCS? Balak ko po kasi magpa schedule na ng CS dahil madami ang amniotic fluid ko and may tendency daw po ma cord coil, natatakot po ako, just want to hear your stories #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp


emergency CS here dahil po di nag open cervix ko and leaking na po water ko tapos stuck 3cm parin. Based on my experience, pag nawala na yung bisa ng anesthesia masakit talaga yung tahi mo lalo na pag uubo or babahing pati tumawa. Yung pinaka mahirap at masakit na part yung magbe-bend ka kahit malki tyan mo tapos tuturukan ka sa likod. Wala na akong nafeel after maturukan, while ongoing ang operation nakatulog ako at nagising nalang nung nasa recovery room na ako tapos nasa tabi ko na baby ko.😅 dika pwedeng uminom at kumain hangga't dika nakaka dumi at umuutot. Kailangan mo talaga ng suporter para makagalaw ng maayos and need mag dahan dahan para di bumuka ang tahi. 1week lang ako nag-recover, nakakalakad nako ng maayos at nabubuhat ko na baby ko pati nakakaligo na ako mag-isa.
Magbasa pa


