CS experience
Ano po experience nyo maCS? Balak ko po kasi magpa schedule na ng CS dahil madami ang amniotic fluid ko and may tendency daw po ma cord coil, natatakot po ako, just want to hear your stories #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp


emergency CS po ako dahil sa late deceleration (decrease in baby's heartbeat kada contraction). wala akong naramdamang sakit mula dinala ako sa operating room. pinabend nila ako ng sobra para mainjectionan, after nun wala na. pinatulog na din nila ako. pagkagising ko, tapos na. hahaha. tinabi na sakin anak ko then nilipat na ako sa room ko. ang mahirap and masakit na part nung nagsubside na ang anesthesia. mahirap na kumilos, masakit kapag tumatawa at umuubo. mahirap din magwiwi at magpoop. pero sa case ko, 1 week lang lahat nakarecover na ako. sa 1st week na yun, nabubuhat ko na si baby and nakakalakad na ako ng maayos. ang mahalaga momsh, maging safe kayo ni baby. if i-advise ng OB mo na mag sched CS na kayo, go na momsh. kasi for you and your baby naman yun. mas mura pa pag sched CS kesa emergency CS.
Magbasa pa


