vomiting

Ano po ba pwede gawin para po maiwasan ang pag susuka during pregnancy?

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sabi ng OB ko. Iwas ka daw sa mga amoy na ayaw mo or nagtitrigger ng pagsusuka mo, konti lang daw ang kain pero wag papagutom, pag hindi daw kaya mga ulam try daw mag fruits muna, possible din sa vitamins na tinatake kaya check mo rin sis pwede yan palitan ng OB mo kung sinisikmura ka sa vitamins. Candy pwede rin daw.

Magbasa pa

normal naman magsuka pero try mo pag antok ka matulog ka wag mo pigilan tpos pag gutom ka kain ka lang.. wag ka magdiet, dapat busog ka din palagi.. 🤗 saka water theraphy ka damihan mo tubig.. 2-3 liters a day mkakatulong yun.. goodluck sa first trimester! kaya mo yan momshie!

5y ago

Gustong gusto ko ng tubig sis ,kaso pati tubig sinusuka ko na . Nde ko n nga alam kung ano dapat ko kainin at inumin n nde ako mg susuka . Kasi everytime na mag ssuka ako nahhrpan ako ng sobraaa.

VIP Member

Sis pag po sobra na pagsusuka pde ka pong maconfine to prevent dehydration sb ng OBgyne ko po un. Nun first trimester ko cnb ko sa obgyne ko na feeling ko masusuka ako pro hindi natutuloy nresetahan ako ng vit B complex kontra suka dw un accdg sa OBgyne ko po.

Hay wish ko lang naiiwasan yan pero hindi talaga haha. Kung may gusto kang food, kainin mo lang ng kainin. Pag sinuka mo na, wag mo na ulitin. Eat every 2 hours. Pag nagutom ka, mas masama pakiramdam mo

VIP Member

Ginagawa ko noon mamsh pag naduduwal ako kumakain ako ng asukal then hihinga ng malalim hanngang mawala na yung pakiramdam ko na naduduwal kaya ayon tuloy sa pag kain hahaha

Im 12weeks preggy.. At hirap na hirap akong eh overcome ang pagsusuka. Ung tipong kakatapus mo lng kumain tapus isusuka muna palabas.. Napapaiyak n lng ako sis.. 😢

5y ago

Ang galing naman sis.. Sana talaga matapus na to.. Di din ako maka punta sa OB ko. ECQ eh na extend din ng 2weeks dito sa amin. Sana talaga matapus na to..

Avoid oily foods sis. As much as possible, plant based food yung most na kinakain, like gulay and nuts. Pag nasusuka ako kumakain ako salted tamarind

Hindi mo sya maiiwasan mommy tiis tiis lang , gawin mo nalang is after mong sumuka mag rest ka then kumain ka ulit para may lakas ka parin.

Wala sis ee. Ako hanggang ngayon suka ng suka. Basta pag kakain ka dahan2 lang tapos kunti lng pero mayat maya. Para di ka mangasim

Ako po may iniinom na gamot.. ranitidine at metoclopramide... effective po kase sobra ang pagsusuka dati...