Pospartum depresion

Ano po ba dapat kong gawin depress na depress nako, 2 months na simula ng makapanganak ako hanggang ngayon ganito parin nararamdaman ko, bigla ako mananamlay, o kaya biglang gusto ko nalang mag iiyak lalo na pag hinahawakan ko yung baby ko tapos ayaw tumahan sakin pero pag lola nya hahawak sakanya saka daddy nya tumatahan sya agad. Madalas kung ano ano pa pumapasok sa isip ko na masamang gawin. Lalo na pag kung ano ano naririnig ko sa iba na sinasabi sakin na hindi ko dw kayang alagaan yung anak ko, na ayaw dw sakin nung anak ko kaya umiiyak. Feeling ko wala akong kwentang ina. Kahit na sabihin ko sakanila yung nararamdam ko hindi parin nila naiintindihan. Sasabihin lang nila sakin tigilan ko dw. 😭 Hindi ko na alam gagawin ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy I'm so sorry, you're going through this. Alam ko yung feeling kasi parehas lang tayo. Yung feeling na wala nang pag-asa sa buhay, ba. Before my two sons, meron na akong depression talaga. I was suicidal before. Tapos pagkapanganak ko sa panganay ko last year, postpartum depression naman tapos kakapanganak ko lang ulit sa pangalawa ko last March so bongga na no hahaha di ko alam din gagawin ko mamsh, nakakawalang gana mabuhay minsan lalo na kasama ko sa bahay mother ko (mahabang story pero sila ng father ko yung malaking reason bakit ako may depression in the first place) aaminin ko, hindi ako okay at natatakot ako na naapektuhan mga anak ko. But you know what? May times na ang lakas ng loob ko. May times na iniisip ko, basta nakaya ko dati, kakayanin ko ulit. Yun na lang talaga pinanghahawakan ko ngayon. Wala ako sa lugar para mag advice sayo, kasi nga we are in the same dark place. Pero maybe I can give you hope na hindi man okay ngayon, tiwala at kapit lang sa sarili mo, magiging okay din lahat. Di ka nagiisa dito. Wag kang makinig sa mga sasabihin ng iba, live your life the way you want it. Be happy with your decisions kahit gaano kahirap at kasakit.

Magbasa pa
VIP Member

Hi Mommy ! Kamusta ? Need mo uminom ng medicine talaga ,Tulungan mo sarili mo din ,tignan mo na lang baby mo na mas kailangan ka niya.