Longer Sleep
Ano po ang tama? Gisingin si baby para padedehin o hintayin magising bago padedehin? Based po kasi sa nabasa ko hindi daw dapat lalampas sa 4hrs na walang dede si baby (my baby is 2 mons) pero sabi naman ng mama ko is masamang gisingin ang baby pag tulog. Mahaba po kc matulog si LO ko kaya nya straight 6-8 hrs na sleep. Natry kona sya padedehin ng tulog pero malimbing tulog nya di talaga sya maglalatch kahit ipasok pa sa bibig nya ang nipple unless gisingin talaga sya through changing diaper, change clothes, etc. Kayo po anong ginagawa nyo? Hintayin magising o gisingin para dumede? #FTM