32 Replies
Hello. My advice base on experience, wag niyo po ibabad sa diaper na basa na, kahit hindi pa puno, palitan niyo na po. Kasi the more na mababad sa ihi/basa mas lalong dadami or rashes. Tapos wag din pagsuutin madalas ng diaper para makahinga-hinga yung balat. Pachek-up niyo po sa Pedia niya pa resetahan ng ointment. In the meantime try niyo po calmoseptine, matagal nga lang gumaling. Sa anak ko, niresetahan ng Pedia niya ng ointment na may steroid, antifungal and antibiotic, hindi nga lang pwede overuse dahil nakakasira ng balat ng baby.
mi wag ka gagamit ng baby wipes, mag cotton and luke warm water ka pa den, tas i pat dry yung sa fem area niya to bumbum tas wag mo diaperan atleast 5-10mins. tsaka lagyan ng calmoseptine ( trusted ito) tas hanapin mo diaper na hihiyang kay LO mi, tas mag palit ng diaper wag na antayin na mapuno at mababad siya mi, (if napapansin mong medyo di na okay rashes ni LO, pedia na mi para maresetahan ka ng mas naakmang ointment para sakanya)
Tiny buds calendula barrier cream po ilagay mo mamsh. Every 3-4hrs magpalit ng diaper. Linisin mo muna lukewarm water then pat dry tapos lagyan mo ng tiny buds calendula barrier cream. Even sa mga rashes sa ibang parts ng katawan or kahit sa face niya pwede siya. Eto lang humiyang kay baby ko daig nito yung cetaphil calendula cream. Sana po makatulong. If di pa rin mag okay, ipacheckup mo na po si baby.
Every 4hrs po kayo palit ng diaper then use antirash na cream yung ginagamit ko po na nireseta ng Pedia ng baby ko is Bepanthen baby ointment every diaper change dapat tuyo ang pwet bago lagyan nung ointment. Super duper effective. Ginagamit ko lang yan pag may rashes si baby sa pwet yung lagi kong gamit is yung Human Nature Nappy Cream every diaper change Yang dalawang yan e di ako nawawalan.
ganyan din po sa baby ko, though 1 month old pa naman si baby ko. nawala po ung sa kanyan nong pinalitan ko size ng diaper niya at patuloy ako sa paglagay ng calmoseptine directly sa kanyan rashes. recommended by my baby's pedia ung calmoseptine.
May iniinom ba syang kahit anong gamot? Pwedeng allergic sya roon at nataon na iyan ang nagkaron ng rashes. Pero I suggest, Calmoseptine or Desitin Maximum Strength cream. And importantly, pacheck sa pedia. Sana gumaling na si baby ☺️
warm water lang ipanlinis mo mii tas bili ka fissan tas ang ginagamot ko Elica cream medyo pricy pero super effective like ilang lagay lang tuyo agad ayan gamit ko kay baby until now di ako nawawalan yan .try mopo promise effective
Yes pwede sya sa baby kasi reseta yan ng pedia ni baby ang pag lalagay ko every nag papalit super unti lang ng lagay ko tipid din at mabilis lang talaga matuyo super effective
hnd ko alam kung Meron dito sa pinas Ng venovet bayun?(I'm nasure sa spelling ng name) Padala Kasi ni mama galing abroad super effective nya kahit saan makikita agad results within an a hour sa 2 years old ko sya try. nahiyang nmn
Betnovate po.. Meron po dito nun... my ibang brand din po.. Generic name po is Betamethasone... Pero wag po basta basta gagamit nun... pinaka maganda po is linisin palagi, kung kaya po mag lampin nalang po muna para di mababad sa diaper... pag my wiwi na po diaper palit agad... para gumaling agad :)
ganyan sa baby ko.. pag nababad tae nya diko napapalitan agad grabe yung pula. nilalagyan ko lang agad ng calmoseptine tapos yun nagiging ok na agad. ☺️
mi baka Po sa diaper niya.palitan mopo yang diaper Niya mainit Po Kasi yan Saka Hindi Siya absorbent,madami Po sa online mura ,pero absorbent..
Aielyn Abergas