Team September

Ano na po mga sign na nararanasan nyo? Due date ko na bukas share ko lang kahapon po nagpa check up ako sa OB ko pag I.E nya sakin 1cm na daw tsaka malambot lang daw cervix ko tsaka nakapa nya na ulo ng baby ko tapos pa uwi nilabasan ako ng discharge na brown na malapot tapos pag ligo ko ng gabi nilabasan naman ako ng parang sipon na pure white lang sya na walang amoy na malapot ano po kaya yun? Akala ko nga kagabi baka manganak na ko kasi panay hilab ng tiyan ko tsaka parang may nakadagan sa puson ko hirap ako umihi at gumalaw di pa naman pala false labor kaya yun?#firstbaby #advicepls #1stimemom

Team September
11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang po mga mommy. Ako exact due date ako nanganak. The day before due date ko may nalabas sa akin na reddish brown discharge na medjo amoy kalawang. Tapos may feeling na din na parang natatae ka pero di naman. Tapos nung humapon na 1Pm to 7pm nasakit na puson ko na parang dysmenorhea ang sakit pero tolerable naman. Nahilab na din tyan ko nun. 8pm nagpunta kaming ospital pero 2cm palang pala. Pagbalik namin sa bahay. 9pm to 11pm dun na naglabot na talaga ako. As in sobrang sakit yung parang hinahati katawna mo. Naramdaman ko may lumabas sa akin kaya nagpasama ako sa asawa ko sa cr. Nangangatog na yung tuhod ko nun. Nung may lumabas na sa akin na mahabang buong dugo. Mas masakit na parang di na ako makatayo. Ayun pagdating sa ospital 10cm na. Monitor mo lang discharge niyo mo mamsh. Tsaka pagsakit ng tyan at paghilab po.

Magbasa pa

try nio po nipple stimulation.. kilitiin nio dlwang nipple nio po.. gnyan pngawa skin kc puro hilab tyan ko nun.. false labor lng ako nun tas nung pngawa skin un after hours true labor na

4y ago

ilang minuto po gagawin?

37 weeks and 6 days palang po ako. Medyo masakit ang balakang at may time na masakit din ng konti ang pempem ko. Ngayon ko lang po ito naramdaman, false labor lang po ba o sign na ng labor po?

4y ago

same experience mommy false labor only 💓

ask po ako mga moms, nakatake na po ba kayo ng buscupan kasi nireseta ng ob ko na iinom ako ng buscupan kasi sirado pa ang cervix ko.... thank you...

Next week duedate ko na din. 1cm pa din. Nakakastress na. Sana makaraos na tayo. Yung discharge mommy normal lang yun kasi ni-IE ka po.

buti kapa mommy nakapa na ulo ni baby at malambot cervix. saken wala pa talaga 2 days nalang due date ko na 😥

masakit na puson ko tsaka balakang mga mommy. my reddish na ring nalabas tolerable pa naman sign naba ito?

4y ago

yes mommy Sana makaraos na Ren ako puro false labor Lang ee

same lapit na due date ko kaso wala padin sign of labor

Same.39weeks 1day..wala pa din..😥 nkaka stress na,,

ano po ba yung pakiramdam n nahilab ang tiyan?