9 Replies

Lahat kayang i give up sa ngalan ng pamilya . Lalo na para sa mga anak . Yung mga dati mong nakagawian nong single kapa , lahat ng bisyo kaya mong tanggalin para sa pamilya mo . Mas uunahin mo na ang pamilya sa lahat ng bagay , imbis na bumili ng mga bahay na gusto mo di muna iisipin yun . Something has change pag family na ang pinag uusapan . Pati nga buhay ko kaya kung ibigay para sa pamilya ko ganon ko sila kamahal .

VIP Member

When you become a mom, hindi mo mapapansin agad agad but you become the most selfless person you never thought you could be. You give up your old self, social life, your wants because you are always after their needs, you give up your personal time because you devote all your time to them because you think they deserve it and it makes you happy.

Para sa akin ay lahat kaya kong i-give up para sa pamilya lalong lalo na ang career at ang mga personal kong luho. Nung wala pa akong anak, kaya kong bumili ng mga signature bags and shoes peri nung dumatung na ang anak ko nako lahat na lang ng budget na para sa aming magasawa ay naka laan na para anak namin.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-15012)

Nagulat ako na marami pala! Yung dati kong hobbies, yung katawan ko (huhu balik alindog!), syempre time and effort. Pati major life decisions like career, saan titira -- lahat for the family :)

Ako yung pagiging gastador ko sa mga mamahaling bag at sapatos ang pinaka una kong ginive up para sa family ko. Mas madaming kailangang paglaanan ng pamemera e kaysa sa mga luho ko.

Anything naman. I guess hindi ka magdadalawang isip kung para naman sa family mo maliban na lang kung sobrang selfish na tao na sarili muna uunahin.

Kahit sa kubo lang kami nakatira at tuyo lang ang ulam namin araw araw ay ok lang sa akin as long as magkakasama kami ng pamilya ko.

Lahat ng bagay na may kinalaman sa personal kong kagustuhan. Kahit simpleng pa-parlor lang yan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles