Ano Ang kabag

Ano ang kabag? Lahat na yata ng tao minsan sa buhay nila ay nakaranas ng kabag. Ang kundisyong ito ay isang normal na bahagi ng proseso ng digestion. Ayon sa experts tinatayang nasa 20 na beses ang kayang gawing pag-utot ng isang taong may kabag. Samantalang kung hindi naman nailalabas sa porma ng utot o gas, maaari naman itong idighay. Sa mas maraming pagkakataon nasa mild o kaya naman indahin ang kaunting sakit na dala ng kabag. May mga panahon lang daw na labis na ang pagdami ng gas o hangin sa intestine. Ang gas na ito kung hindi mailalabas ay maaaring makapagbigay sa iyo ng pananakit at discomfort. Sanhi ng kabag Marami rin ang maaaring pagmulan kung bakit nagkakaroon ng kabag. Mahalagang malaman ito dahil ang ganitong sitwasyon na halos kamukha ng bloating at flatus frequency ay maaaring lumala at magdulot ng diarrhea o constipation. Narito ang ilan sa listahan ng mga dahilan kung bakit nga ba nagkakaroon ng kabag: Pagkain ng marami. Ang labis na pagkain ay maaaring magsanhi para mahirapang i-digest ng tiyan ang mga ito. Pagpasok ng hangin sa katawan. Karaniwang nangyayari ito dahil sa kinakain o iniinom. Pagnguya ng chewing gum. Ang pagkain ng bubble o chewing gum ay nakapagdudulot din ng hangin sa tiyan. Paninigarilyo. Ang bisyo tulad nito ay maaari ring pagmulan ng kabag. Kung napabayaan, ang kabag din daw ay maaaring maging senyales ng gastroesophageal reflux disease o iyong tinatawag na GERD. Tumutukoy ang GERD sa isang kundisyon kung saan ang acid sa tiyan at iba pang nilalaman ng tiyan ay lumalabas ng tiyan at umaakyat sa esophagus.  Sa mga taong may GERD, kadalasang nakikitang sintomas ay pagkakaroon ng acid reflux at heartburn. Batay naman sa isang case study na ginawa noong taong 2015, ang kabag at pagdighay daw ay ilan nga sa karnaiwang sintomas na mayroong nang GERD ang isang tao. Mga kondisyong medikal na nagdudulot ng kabag Maraming kundisyon ang maituturing na dahilan kaya nagkakaroon ng kabag ang isang tao | Larawan mula sa iStock Mayroon ding mga medical conditions na maaaring makapagpataas ng kabag, bloating at pananakit nito, tulad na lamang ng: Chronic intersinal disease. Ang sobrang hangin ay kadalasang sintomas ng chronic intestinal conditions tulad ng diverticulitis, ulcerative colitis, o Crohn’s disease. Small bowel bacterial overgrowth. Ang pagtaas o pagbabago sa bacteria sa small intestine ay nagdudulot ng sobrang hangin, diarrhea, at pagbaba ng timbang. Food intolerance. Ang kabag o bloating ay maaaring mangyari kapag ang iyong digestive system ay hindi matunaw o ma-absorb ang mga pagkain, tulad ng asukal sa dairy products (lactose) o proteins tulad ng gluten sa wheat o ibang grains. Constipation. Sa constipation ay nahihirapan lumabas ang hangin. Mga sintomas ng kabag Maraming senyales para malamang mayroon ka nang kabag. Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Advertisement Pagdighay Pananakit o pamimilipit na pakiramdam sa iyong tiyan. Pakiramdam ng pagkabusog o pressure sa iyong tiyan Kapansin-pansing paglaki ng tiyan (distention) Paulit-ulit na pag-utot Normal lang ang pagdighay, partikular na habang kumakain o pagtapos ng kumain. Karamihan sa mga tao ay nagkakaroon ng kabag hanggang 20 beses sa isang araw. Samakatuwid, maaaring sanhi ng problemang medikal ang kabag. Paano maalis ang kabag? Kadalasan ang mga pagkain na kinakain natin ang nagdudulot ng kabag. Ang pagkain ay direktang tinutunaw sa small intestine. Samantala, ang mga natitirang hindi natunaw ay binuburo sa iyong colon kasama ang bacteria, fungi, at yeast, bilang bahagi ng digestion. Ang prosesong ito ay gumagawa ng methane at hydrogen, at iyon ang lumalabas bilang flatus o utot. Para sa karamihan ng tao, ang pagbabago sa kinakain ay sapat na upang maibsan ang kabag at mga sintomas nito. Isang paraan upang matukoy kung anong pagkain ang nagdudulot ng kabag ay ang pagsusulat ng food diary o pagsusulat ng lahat ng iyong kinakain. Kadalasan ng mga pagkain na nagdudulot nito ay ang mga sumusunod:   May mga pagakaing nagdudulot ng kabag sa isang tao | Larawan kuha mula sa iStock Advertisement Mga pagkaing mayaman sa fiber Pagkain na mataas sa fats Mga prito o maaanghang na pagkain Carbonated beverages Artificial ingredients na kadalasang natatagpuan sa low-carbohydrate at sugar-free products, tulad ng alcohol, sorbitol, at maltitol Beans at lentils Cruciferous vegetables tulad ng brussel sprouts, cauli flower, at broccoli Mga pagkaing may lactose tulad ng gatas, cheese, at ibang dairy products Over-the-counter fiber drinks at supplements Kapag nalaman mo na kung anong pagkain ang nagdudulot ng iyong kabag, maaari mong maiwasan ang pagkakaroon ng kabag. Ano-ano ang mga gamot sa kabag at mga home remedy para dito? Kung hindi pa rin nakakatulong ang pagbabago sa mga kinakain sa iyong kabag, narito ang ilan sa mga home remedies para sa matanda at bata na maaari mong gamiting gamot para mawala ito: Peppermint. Base sa mga pag-aaral, ang peppermint tea o supplements ay nakakabawas sa mga sintomas ng irritable bowl syndrome (IBS), kasama na ang kabag. Chamomile tea. Ang chamomile tea ay nakakatulong na mabawasan ang impatso, kabag, at bloating at home remedy sa kabag. Ang pag-inom ng chamomile tea bago kumain at bago matulog ay maaaring makabawas ng mga sintomas para sa ilang tao. Advertisement Activated charcoal. Ang activated charcoal ay isang over-the-counter medication upang matulungang maalis ang kabag o hangin na naiwan sa iyong tiyan. Maaaring inumin ito bago kumain at isang oras matapos kumain. Apple cider vinegar. Tunawin ang isang kutsarang apple cider vinegar sa tubig o tea. Inumin ito bago kumain o hanggang tatlong beses sa isang araw hanggang sa mabawasan ang mga sintomas. Physical activity. Advertisement Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong na mailabas ang hangin sa loob ng iyong tiyan at mawala ang kabag. Kung nananakit ito, maaaring makatulong ang pag-jumping rope, pagtakbo, at paglalakad. Lactase supplements. Ang lactose ay ang nagsisilbing asukal sa gatas. Maaaring makabili ng lactase supplements over the counter. Makakatulong ito para sa mga taong hindi nakakatunaw ng lactose. Clove. Isa itong herb na ginagamit panluto. Ang clove oil ay nakakatulong na mabawasan ang bloating at gas sa pamamagitan ng paggawa ng digestive enzymes. Maglagay ng 2-5 drops sa isang 8-ounce na baso ng tubig at inumin pagkatapos kumain. Maaari ring makatulong ang ilang lifestyle changes bilang home remedy sa kabag upang maibsan ang kabag. Ilan dito ay: Pagnguyang mabuti ng pagkain para hindi mahirapan ang iyong stomach na i-digest ito. Pag-iwas na kumain ng chewing gum at iba pang matitigas na candy. Iwasang uminom ng carbonated beverages na maaaring makapagbigay hangin sa iyong tiyan Iwanan na ang bisyo lalo na ang paninigarilyo Siguraduhin na nakakabit nang maayos ang pustiso o dental devices sa iyong bibig Kumain nang nasa tamang pwesto tulad ng pag-upo nang maayos Maglakad-lakad pagkatapos kumain para bumaba kaagad o madigest ito nang mabilis ng katawan.  Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng kabag o gas sa iyong tiyan.  Iwasang gumamit ng straw sa pag-inom sa halip uminom na lang direkta sa bote o baso.  Gamot sa kabag Sa ilang mga kaso, maaaring kailanganin ng mga Over-the-counter at nireresetang gamot para maibsan ang kabag at mga sintomas nito. Lalo kung hadlang na ito sa maraming gawain mo sa araw-araw. Para sa mga taong mayroong food intolerance ay maaaring uminom ng digestive enzymes bago kumain upang matulungan na matunaw ang mga pagkain. Karaniwang halimbawa nito ay ang pag-inom ng lactase upang matulungan matunaw ang mga produktong may gatas o pag-inom ng alpha-galactosidase (Beano). Malaking tulong ito para matunaw ang carbohydrates, fiber, at protein mula sa beans at mga gulay. Para naman sa mga taong nakakaranas na ng kabag, ang OTC products na naglalaman ng simethicone na makakatulong pagsamahin ang gas bubbles, at ginagawang mas madaling lumabas ang hangin. Ilang halimbawa sa mga produktong ito ay Gas-X, Imodium, at Mylanta. Maaari ring magrekomenda ng mga nireresetang gamot ang doktor para sa mga taong hindi nawawala ang kabag sa pamamagitan ng mga home remedies at OTC medications. Ang mga gamot na nirereseta ng doktor ay iaayon sa underlying condition na maaaring nagdudulot ng kabag. Ilan sa mga gamot na maaaring ireseta ng doktor para sa kabag ay: Gamot upang pamahalaan ang gastroesophageal reflux disease (GERD) tulad ng: Antacids upang maibsan ang heartburn H2 blockers upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan Proton pump inhibitors upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan at tulungang gumaling ang esophagus Prokinetiks upang matukungan ang tiyan na matunawan agad Gamot upang mapamahalaan angirritable bowel syndrome (IBS) Antispasmodics upang maibsan ang pananakit ng tiyan at cramping Laxatives upang matulungang maibsan ang constipation Antimolity medications upang matulungang maibsan ang diarrhea Antibiotics para matulungang gumaling mula sa small intestine bacterial overgrowth (SIBO) Para naman sa gamot sa kabag ng baby, maaari raw subukan ang mga sumusunod: Maging mapagbantay sa kinakain ng bata kung kaya ba itong i-digest ng kanyang tiyan. Painumin siya ng probiotics na may rekomendasyon ng doktor. Pakalmahin ang iba’t ibang senses ng baby. Gumamit ng sound and motion para mapatahan siya sa panahong mayroong siyang kabag. Mga komplikasyon sa pagkakaroon ng kabag Kinakailangang tignang mabuti kung ang sakit ba sa tiyan ay normal na kabag o may mas malalang pinagmumulan pa. | Larawan mula sa iStock Masakit man ang kabag, hindi naman ito nangangahulugan ng seryosong problema sa kalusugan. Sa maraming pagkakataon, normal naman itong nangyayari sa maraming tao. Kung minsan nga ay kusa na lang itong nawawala. Sa kabilang banda, maaari pa ring maging kabaha-bahala ang pamumuo ng hangin sa tiyan. Baka kasi ang inaakalang kabag ay sintomas na pala ng mas malalang sakit pa.  Ang kabag sa kaliwang bahagi ng colon ay maaaring magdulot ng pananakit ng dibdib at maaaring mapagkamalang atake sa puso. Ang kabag naman sa kanang bahagi ay maaari namang mapagkamalan na pananakit dahil sa gallstones at appendicitis. Magpakonsulta sa doktor upang malaman kung mayroong underlying cause ang mga nararamdaman na sintomas ng kabag. Kailan dapat tumawag sa doktor Gaya nga ng nabanggit kadalasan ay hindi naman dapat ikabahala ang pagkakaroon ng kabag. Karamihan naman ay nawawala ang mga sintomas sa kaunting paggagamot o hindi na kinakailabgan pang gamutin. Gayunpaman, kung nakakaranas ng madalas o hindi nawawalang kabag, magpakonsulta agad sa doktor upang magkaroon ng pagsusuri. Tumawag din sa doktor kung nakakaranas ng mga sumusunod: Labis na pananakit ng dibdib dahil baka senyales na ng heart attack o atake sa puso. Gastrointestinal discomfort na hindi nauugnay sa pagkain. Malalang pananakit ng tiyan, diarrhea, o constipation na hindi na kayang indahin pa.  Tarry, o maitim na dumi o rectal bleeding. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply