Pamamanas

ANG WHITE MENS AT PAMAMANAS AY SENYALES NG BUNTIS? Feeling mo ba buntis ka? Siguro delayed ang period mo kaya nagdududa ka sa kundisyon mo. Kung hindi ka pa handang kumonsulta sa doktor or mag-test gamit ang pregnancy test kit, may mga sensyales ng buntis na maaari mo munang pagbasehan. Ang mga senyales na ito, kadalasan ay pisikal at madaling mahalata. Ngunit mainam pa ring mag-ingat at alaming mabuti kung ang mga ito nga ay sapat nang dahilan para masabi at masiguro mong ikaw ay buntis. Kung ikaw ay matagal nag naghahangad na magkaanak, excited ka na sigurong malaman ang mga senyales na ito. Maging ang mga mag-asawa at mag-partner na nagplalano nang magka-baby ay sabik na rin siguradong malaman kung mayroon ngang ipinagbubuntis sa inyong pamilya. Habang ka pa sigurado sa iyong kundisyon, importanteng mag-ingat muna sa pagkilos, mga kinakain at iniinom. ANO ANG PAMAMANAS AT BAKIT ITO NANGYAYARI SA ISANG BUNTIS? Kapag buntis ang isang babae, isa sa mga malinaw na senyales ang pagbabago ng hugis ng katawan. Bukod sa paglaki at pagbilog ng tiyan, ang pamamanas ay isa ring senyales ng buntis. Ngunit, ano nga ba ang pamamanas o manas? Ito ay sanhi ng mga naipon o namuong tubig sa katawan ng isang buntis. Kadalasan ito lumilitaw sa ibabang bahagi ng katawan gaya ng binti, sakong at paa. Kung ikaw ay nasa first trimester pa lamang ng iyong pagbubuntis, marahil ay hindi ka pa nakararanas ng pamamanas. Itong senyales ng buntis na ito ay kadalasang dumarapo sa isang nagdadalantao sa huling tatlong buwan ng kaniyang pagbubuntis. Kadalasan din, minamanas ang isang buntis tuwing gabi at siya ay pagod. Makikita rin ang paglaki o pamamaga ng kaniyang paa o binti tuwing tag-init o mainit ang panahon. Maraming dahilan ng pamamanas. Bukod sa init ng panahon, ang pagtayo ng matagal ay nakapagdudulot din ng senyales ng buntis na ito. Maging ang pagiging sobrang aktibo sa mga pisikal na gawain ay maaari ring makapagdulot ng pamamanas. Kung ikaw ay kulang sa potassium habang buntis, malaki rin ang posibilidad na ikaw ay manasin. Kung sobra ka naman sa sodium o maaalat na pagkain, makakaranas ka rin ng pamamaga sa iyong binti at paa. PAG-IWAS SA PAMAMANAS Ayon sa mga pag-aaral, walang gamot ang pamamanas. Maging ang mga eksperto ay walang maibigay na partikular na gamot para maibsan ang ganitong pamamaga ng parte ng katawan. Subalit marami namang puwedeng gawin para maiwasan o mabawasan ito. Ang pamamanas ay masakit lalo na kung sobra na ang pamamaga. Buti nalang, may mga paraan para lutasin ang problemang ito. Hindi kailangang gumastos ng malaki para mawala ang pamamanas. Hindi rin kailangan ng masusing pag-aaral para hindi na maramdaman o makita pa ito bilang senyales ng buntis. Mahalaga lang na Sundin ang mga dapat gawin at tiyak na magiging komportable ang iyong lagay. Garantisadong okay din ang lagay ni baby. Narito ang ilan sa mga epektibong pamamaraan: Huwag uupo nang naka-dekwatro o naka-paekis ang mga binti. Iwasan ang nakatayo o nakaupo nang matagao. Siguraduhing naglalakad-lakad o tumatayo-tayo mula sa pagkakaupo o pagkakatayo. Rekomendado ng mga duktor ang patagilid na paghiga para maiwasang madiinan ang kidney, maging ng ugat. Siguraduhing ipahinga ang mga binti o paa mula sa pagtatrabaho. Mainam na itaas o ipatong sa silya ang mga paa para mailabas ang tubig na sanhi ng pamamanas. Palaging komportableng sapatos ang suot-suot para makahinga ang mga paa. Regular na mag-ehersisyo. Ang paglalakad-lakad o paglangoy ay nakatutulong para mabawasan ang pamamanas. Kapag nag-umpisa na ang pamamanas, lapatan ang bahagi ng katawan na minamanas ng cold compress. Umiwas sa junk food at mga masusustansiyang pagkain lamang ang kainin. NAWAWALA RIN ANG PAMAMANAS Kung ikaw ay nakararanas na ng pamamanas, huwag mag-alala. Hindi ito permanente bilang senyales ng buntis. Ang pamamaga ay kusang lumiliit hanggang sa mawala pagkatapos manganak. Ito ay nailalabas sa pamamagitan ng pagpapapawis at madalas na pag-ihi. Walang dapat ipag-alala kung ikaw ay minamanas. Halos lahat naman ng nabubuntis, minamanas. Pero kung sa pakiramdam mo, may posibilidad na ito ay sintomas ng preeclampsia, pinakamabuting bumisita na sa iyong doktor. Ang mga sumusunod ay ilang senyales na preeclampsia na ang dahilan ng pamamanas: Namamaga ang mukha Maga ang paligid ng mga mata Sobra na ang pamamaga ng paa, sakong, binti o kamay Matinding sakit ng balakang Mas matindi ang pamamanas ng isang binti kaysa sa kabila WHITE MENS: ISA PANG SENYALES NG BUNTIS Hindi lamang ang pamamanas ang maaari mong pagbasehan ng senyales ng buntis. Ang white mens ay isa ring palatandaang maaaring ikaw ay nagdadalantao. Ngunit kahit na nasabing ito ay puwedeng maging sintomas ng pagbubuntis, ang white mens ay kadalasan pa ring senyales na magkakaroon nan g regla ang isang babae. Ang white discharge na lumalabas sa ari ng babae ay normal lamang, buntis man o hindi. Totoo ngang ang white mens ay bahagi ng menstrual cycle ng isang babae. Subalit ito rin ay puwedeng maging indikasyon ng pagdadalantao. Madalas, ginagamit ng mga kababaihan ang white mens bilang palatandaan ng kanilang fertility. Ito ay ang kanilang kapasidad o ang posibilidad na sila ay mabuntis ilang araw pagkatapos makipagtalik sa asawa o kapareha. Katulad ng nabanggit na, ang white mens ay normal lamang na nararanasan ng isang babae. Subalit kung nakararanas nan g sakit, pangangati o pamumula ng ari o paligid nito, dapat nang kumonsulta sa doktor. Hangga’t walang amoy ang mala-sipon na likidong lumalabas, hindi dapat mabahala dahil ito ay normal. Kung makapal at mas malapot ang whitemens, malaki ang posibilidad na ito ay senyales ng buntis. Ayon sa mga eksperto, kapag buntis ang isang babae, mas marami at madalas ang kaniyang vaginal discharge o white mens. At kadalasan din, ito ay nararanasan sa unang bahagi pa lamang ng pagbubuntis. Sa unang tatlong buwan aktibo ang pwerta para magbiga-daan sa mas marami pang discharge. Ito ay nakatutulong sa pagpapalusog ng sipit-sipitan ng babae. Ang pamamanas at white mens ay dalawa lamang sa napakaraming senyales ng buntis. Marami kang mababasang mga indikasyon, marahil ay, matagal mo nang alam. Ngunit ang mga nabanggit sa artikulong ito ay kabilang sa mga mahalagang senyales na dapat alamin. Ito ay dahil kapag napabayaan o hindi napagtuunan ng atensiyon, maaring makapagdulot ng kapahamakan sa nanay at kaniyang dinadala.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles