Hindi po ako naglilihi, may nakaranas po ba ng ganito?
Ang weird kasi lahat ng buntis na kakilala ko naglilihi, nagsusuka sila, tapos naghahanap ng specific na pagkain. 2 mos nako bago ko nalaman kasi di nga ako nagsusuka. Masakit lang likod ko yun lang. Hahahah. Kayo ba naranasan nyo to at usually ano ung gender ng baby nyo?
ako din po,. tanging sore breast lang tapos palaging gutom nararanasan ko pero now paend na 1 st trim. ko parang di na ako masyado gutumin
boy po gender niya ganyan din ako first baby ko never ako nahilo nag suka at diko naranasan yung mag labor now lang hahahhaha sa second
Same po never ako naglihi starting from my pregnancy parang wala lang pero yung kain ko sobrang hina po walang ka gana-gana
swerte mo mi na di mo naranasan. ang hirap super. nakaraan nagsusuka ako. lumabas buonh dugo e. sabay sa pwersa ko 🥺
hahaha same here yung asawa ko lang yung naglihi 😂 ewan ko lang kung totoo ba yung ganyan kasi na hakbangan ko sya
ganyan din po ako momsh hehe 1st time mom, wala po akong specific food na hnanap non. di din po pala suka hehe
Ganyan din ako sa 1st pregnancy ko hindi ako naglihi. This time ko lang na experience yong struggle sa 2nd .
Ganyan ako sa first baby ko, Boy sya.. pero bawing bawi ngayun sa 2nd baby😅 sobrang arte ko ngayun..
Never ako nagsuka when I was pregnant. Wala din akong pinaglihian (I think). Boy si baby ko.
pareho po tayo momshie kahit 5 months napo tiyan ko di namn ako nag lilihi hahahaa iwan koba