sa lalaking aking minahal sa haba ng panahon

Ang tagal na natin. Daig pa natin ang kasal sa dami ng pagsubok na pinagdaanan. Na akala ko lahat kakayanin natin basta nagmamahalan tayo. Pero dumating un pagsubok na sumira sa pamilya natin. Dko na alam ang totoo. Pero alam ko masakit madinig sayo mismo na mahal mu sya. Sa kabila ng nagkalayo din tayo d mu inisip na nalulungkot din ako na d ka kasama, pero kinakaya ko para d masira pamilya natin. Lahat ng lungkot at hirap kinaya ko din para sa mga anak natin. Pero sumuko ka,naghanap ng iba. Na syang sumira satin ng tuluyan. Masyado na madami ang ngyari mula ng lokohin muko. Pero pinakamasakit na un mawala un pinagbubuntis ko sa sobrang sakit na naramdaman ko. Nakiusap ako sayo pero parang lumayo kapa. D mu na kmi binigyan bg pahalaga kahit oras mu d mu naibigay ng tama. Salamat sa magulang ko at magulang mu na sumuporta samin ng mga anak mu ng d mu na suportahan kami sa kabila ba ngaaral panganay natin, nagdede un pangalawa at maselan ang pagbubuntis ko. Ngayon lugmok na lugmok ako. Puno ako ng galit. Lahat kinuha nio sakin. Iniwan muko sa ganyan sitwasyon. Ni singko man sa bulsa wala. Buti mabubuting loob parehong pamilya natin at d kami pinabayaan. Sa totoo d ko pa kaya, 10 days pa lang lumipas ng iwan nko ng ating bunso. Pero pipilitin ko ayusin buhay nmin magiina. Nawalan nko ng isang anak kaya d nko papayag na masira pa kmi. Bubuhayin ko mga anak natin at magiging masaya kami ng wala ka. Alam ko darating din ang karma sa inio. Lahat ng sakit at pagdurusa ko mararanasan nio din ng paulit ulit. Maaaring masaya kayo ngayon pero d magtatagal pareho nio din lolokohin ang isat isat gaya ng ginawa nio sakin. Para sa babae mu na sumira ng pamilya. D din sya magkakaroon ng pamilyang buo. Para sa inio, d kayo nararapat magkaron ng mga anak dahil d kayo marunong magmahal at magpahalaga ng nagmamahal sa inio. D ko din inasahan na gang sa pera matitiis mu mga anak mu na alam mung d ako makapagtrabaho sa sitwasyon ko. Mawawala din lahat ng sakit na dulot mu at tuluyan ka mawawala na sa buhay namin. Makakalimutan ka din nmin ng mga anak mu.

24 Replies

I feel your pain sis. God will heal your broken heart. Walang ibang makakagaan ng loob mo kundi ang Diyos. Humingi ka sakanya ng guidance lagi. I promise you, God will never fail you. Everytime I pray about my problems or anxieties. Gumagaan ang loob ko kahit papaano. Strong women tayo, Gawin mong lakas ang mga anak mo sis. Sa sinabi mo sinusumpa mo sila. Kung ako din nasa kalagayan mo. For sure, Ganyan din sasabihin ko. But always remember, Always seek for forgiveness. Tell him clean your heart and mind. Magiging okay ka din sis unti unti. Godbless you more

😥😥😥Sis wag ka magisip msydo mkksma sau yan laht ng bagay may pagsubok na darating sa atin kung ako sau kaht mhirap mging matatag ka alang ala sa mga anak mo iwan k man nia hayaan mo sya bsta sayo anak mo isipn mo mga anak mo.. Wag mong hayaan na kainin ka ng lungkot mo anjn pa mga anak mo may awa din ang dyos.. Sla ng bhla sknla😄😄😄

Super sakit naman po ng pinag dadaanan niyo.. Cheer up lang po.. May plano si Lord para sa inyo ng mga anak mo.. Advice ko lang po pwede mo kasuhan yang asawa mo sa ginawa niya kaht di kayo kasal lalo na nakunan kapa, condolences po... Be strong kaya mo yan❤️😇😊

VIP Member

Parang kinurot yung puso ko Mamshie habang binabasa ko to ,Wag ka mag alala bawat pag patak ng mga luha at pag dudusa mo sa asawa mo ay Sagrado ang luha ng tunay na asawa .Makakarma din yan .

focus ka po sa anak mo ngayon, dami jan hnd nagkakaanak... kami ng asawa ko 7years bago kmi nagkaanak sa first baby namin 4momths na xa ngayon...

magpakatatag ka po mommy para sa mga bata. pray ka lagi kay Lord. malalampasan nyo din yan ng mga anak mo.

Stay strong.. lilipas din ang sakit. Iikot din ang mundo. Darating din ang panahon ng kanilang pagdurusa

stay strong mommy and kaya mo yan... good karma nmn ang ihaharvest mo... God Bless u and ur kids...

Focus nalang po kau sa pag aaral ng mga bata tsaka wag sana sila ma stress.

Stay strong for your kids. Godbless you!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles