Strectmarks

Ang mga sumusunod ay epektibong home remedies para ma-reduce ang stretch marks: ALOE VERA Ang aloe vera ay nakakatulong sa pagre-regenerate ng skin tissue at mayroon itong miraculous healing properties. Kunin ang fresh gel mula sa dahon at imasahe ito sa area na may stretch marks at iwan sa loob ng 20-30 minutes bago banlawan. Gawin ito araw-araw. COCOA BUTTER Ang paggamit ng cocoa butter ay nakaka-reduce ng stretch marks at kapag ginamit ito ng isang babae habang buntis at kapag nanganak na, tuluyan nitong pinagdi-disappear ang stretch marks. Ang best time na gamitin ang cocoa butter ay sa gabi, imasahe ito nang maigi sa balat. Over a period of time, mapapansin mong nagre-reduce at nagfe-fade ang iyong stretch marks. CUCUMBER AT LEMON JUICE Ang natural acidity ng lemon juice ay nakakatulong sa paghe-heal at pagre-reduce ng scars at ang cucumber juice ay nagbibigay ng cool, soothing effect na nakakapag-refresh ng balat. Paghaluin ang equal parts ng lime juice at cucumber juice. I-apply ang mixture sa affected areas hanggang sa sipsipin ito ng balat. Iwan ito sa balat sa loob ng sampung minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. ALMOND AT COCONUT OIL Paghaluin ang equal parts ng almond at coconut oil at regular na imasahe sa stretch marks. APRICOT MASK AT OIL Ang apricot ay mabisang pang-exfoliate ng balat kaya epektibo ito sa paghe-heal ng stretch marks. Kumuha ng dalawa hanggang tatlong apricot, alisin ang buto. Durugin ang apricot hanggang maging paste at i-apply ito sa area na mayroong stretch marks. Makalipas ang 15 minutes banlawan ito ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso araw-araw para makita ang resulta. Ang purong apricot oil ay mayroong skin rejuvenating properties. Imasahe sa balat kasama ang lemon juice para sa epektibong resulta. CASTOR OIL Dahil sa dry and shriveled up na itsura, ang stretch marks ay nangangailangan ng nourishment at moisture. Ang pagmamasahe ng castor oil sa balat ay nakakatulong sa dahan-dahang paghe-heal at pagpapakinis ng stretch marks. Pero dapat regular itong ginagawa para makita ang resulta. VICKS VAPORUB Ang vicks vaporub ay mayroong essential oils tulad ng eucalyptus oil, turpentine oil at cedar leaf oil. Mayroon din itong camphor at petrolatum. Ang lahat ng ito ay nakakatulong sa pagmo-moisturize at pagpapalambot ng balat. Kahit walang scientific data na sumusuporta sa remedy na ito, ang mga taong sumubok ng prosesong ito ay nakapansin ng 60-80% na diperesensya sa kanilang stretch marks. I-apply ang vicks vaporub sa area na mayroong stretch marks. Imasahe sa loob ng isa hanggang dalawang minuto. Takpan ang area ng cling wrap at iwan overnight. Ulitin ito gabi-gabi hanggang mag-fade ang stretch marks. VITAMIN E Ang vitamin E oil ay kadalasang natatagpuan sa creams, at lotions at ginagamit na pang-alis ng peklat at pagpe-prevent ng skin aging. Mayroon itong anti-inflammatory at anti-aging properties na nakaka-nourish ng balat at tumutulong din sa paghe-heal ng scars at stretch marks. Pinoprotektahan din nito ang balat mula sa UV radiation. Buksan ang capsule ng vitamin E para i-extract ang oil. I-apply ito sa stretch marks at imasahe sa loob ng ilang minuto. Gawin ito dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Very informative. Thank you momshie.