Frustrated BF Mom

Ang hirap pala magpabreastfeed akala ko madali lang magparami ng gatas kapag nagmalunggay capsule, M2, masabaw, more water intake etc. Di ko inexpect na ganto kahirap momsh hahaha. Premature kasi si baby kaya biglaan talaga ung dating nya. Nung nasa ospital kami di ako nakapagpa-latch kasi nasa NICU sya tapos ako naman nagkasakit suspected dengue (Thank God hindi naman) so bawal ko lapitan si baby sa whole stay namin. Hanggang sa pag uwi di ko pa din napapa-latch si baby. Ngayon naman ayaw nya maglatch kahit anong pilit ko parang sisipsip sya saglit tapos ayaw na. Umiiyak lang sya ganon pero may gatas naman ung boobs ko medyo mahina pa nga lang. Nakakafrustrate lang kasi gusto ko na magbreastmilk sya kaso pano kung ayaw nya mag latch. Any advice or encouragement please 🥺 #advicepls #1stimemom #firstbaby

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Breast feeding is 💯% good to our baby! But, Formula or BF si baby ang the BEST padin is napapainom ntn sya ng milk at hindi natin sya ginugutom. Your still the best mom, whatever you choose for your baby! Tama po lahat ng advices ng mga BF moms natin to make your milk supply increase. In my experience po, mahina din ang supply ko lahat na ata ininom ko, kinain ko pero talagang humihina kasi si baby ayaw nya mag latch, hanggng iiyak nalang sya kasi gutom na. Kahit mag pump ako every 20mins mahina pdn ang supply. I been their din mommy as in nastress ako, frustrated dahil nakaplan na kmi na my LO should be BF. Pero hindi lahat ay same scenario may iba swerte sa milk supply may iba katulad ko wala talaga. Kaya wag ka mastress mommy may kadamay ka hindi ka nagiisa at madami din BF mom dito n equipped ng knowledge para mahelp ka. All the best in your BF journey but don't stressout too much! mafeel yan ni baby if stress ka. God bless mommy! 🥰

Magbasa pa
2y ago

thank you mommy!

Mommy, relax po. Isang factor ang stress sa pag papahina nang gatas natin mga ina. Always hydrate yourself yan po ang pinaka pampadami ng gatas natin. Eat healthy foods, NO NO STRESS. Support ang need mo po lalo na kay husband. Always offer your breast po. Manuod din po kuo ng proper positioning ni baby for breastfeeding. Marami po sa youtube. Believe me or not, nung una din sa panganay ko hirap at mangiyak ngiyak ako kahit na pinag aralan ko siya nung pinag bubuntis ko siya. Pero in the long run ok na. 8 consecutive years (until now) na akong nag breastfeed at naginh breastfeed advocate din po ako. Hindi ako sumuko pinilit ko talagang mag breastfeed, no formula talaga ako sa tatlo. Relax lang po mommy

Magbasa pa
2y ago

My pleasure po☺️ relax mommy a. Hydrate always, need mo din po ng support ng buong family mo.

Unlilatch at healthy foods lang yan mamsh. Ako never ko kasi naranasan uminom ng nga capsule capsule na malunggay na yan. Dun ako sa totoong malunggay, pinapakuluan ko yun then iniinom, minsan yung sabaw nun pang milo/gatas ko. Malakas po ang gatas ko tumatagas.

2y ago

thank you po. gawin ko po advise nyo

try mo po gumamit ng di capsule , like yung mismong malunggay ihahalo sa ulam , mas maganda po na natural at fresh . tsaka if mag iipon ka ng gatas o magpapadedi mych better na busog ka , isioin nyo po mga happy thoughts lang ❤️

VIP Member

Ako unli latch lang talaga . Sobrang tyagaan lang talaga . Di naman ako uminom ng pang padami ng gatas. More on rice and sabaw ako then iniinom ko milk or milo .

VIP Member

unli latch lang mi wag mawalan ng pag asa. ako nga 1 week bago nagka gatas eh...kaya yan mi tiwala lang

Super Mum

have more patience po. lagi din po magskin to skin kay baby. happy latching 🤱