Mothers' nightmare
Ang hirap pala maging ina. Kahit ayaw mo mag worry, hindi mo talaga maiiwasan. I'm planning to leave my partner for good. Kinausap ko na kapatid ko kung pwede ba niya ako matulungan sa pagbabantay ng anak ko. Currently, nakatira kami sa makati kung saan walking distance lang workplace ko. While ang sis ko may negosyo sa pasig. Nagpahanap na ako ng apartment na malapit sa store niya. Bahala na kung malayo sa trabaho ko basta makalayo na kami sa toxic na partner ko.. ok na sana.. alam ko eto na talaga desisyon ko.. And then bigla.. what if malingat sis ko may magkainterest sa baby ko at kunin siya.. what if mawala siya.. hanggang ngayon may bali balita pa man din na may nangunguha ng bata. 7 months pa lang ito.. wala pang alam.. di pa siya marunong magsalita.. panu kung di na mahanap.. di na niya ako maalala.. hay naku kung saan saan na napunta ung isip ko. Nag sanga sanga na. Ngayon, napapaisip ako kung itutuloy ko pa lumayo. Titiisin ko na lang siguro ung partner ko. Makakaya ko pa yun kesa mag worry ako sa kalagayan ng baby ko. Siguro nga ganun na lang muna. Masakit sa puso at isip pag si baby ang inaalala.. di ko kaya, nadudurog ang puso ko. Bahala na.. Di na bale na ako na lagi lahat magpaparaya. Di na bale na sobra sobra na pagod ko. Di na bale na pinagnanakawan ako. Di na bale na may iba pa siyang pamilya. Di na bale mukha akong tanga. Di na bale inaabuso ako mentally, emotionally and financially. Ako lang naman ito. I know malalagpasan ko ito. I know kaya ko ito. Para sa anak ko. Lahat kakayanin ko. Even if di ko na mahanap ung someone meant for me.. enough na si baby sa akin. How I wish talaga buhay pa nanay ko..