Normal sa preggy ang maging emotional. Feeling kasi natin wala na tayong pakinabang dahil wala na tayong ginagawa lalo na sa Asawa natin. Dagdagan mo pa ang insecurities. Kung FTM po kayo, embrace it. Ang sarap isipin na may buhay kang dinadala, na magkakaroon ka na ng sarili mong pamilya. Ang sarap isipin na mangangarap ka na kasama mo sila. Kung ano man ang pinag dadaanan mo ngayon, ipag pray mo lang yan. Minsan kasi nakakalimutan natin si Lord. Nakakalimutan natin magpasalamat at humingi ng tawad. Kaya naman gumawa si Lord ng way para kausapin mo Siya. Gustong gusto kaya ni Lord ng mga brokenhearted at ito ang pinagpapala Niya. I-pag pray mo lang. Seek God. Wag lang basta pray, mamuhay po tayo ng naayon sa gusto Niya.
Magbasa pa
1st time mommy