Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tau sender sa panganay ko iniwan dn kami ng husband ko as in nung binuntis ko panganay ko nangibang bansa c husband ko di pa kami kasal nung panahon na un di ko alam kung babalik paba siya sa akin samin ng anak ko.as in wala akong kamag anak na nasandalan kahit magulang or kapatid kasi kinakahiya nla ako dahil naanakan lang daw ako pero mabait ang panginoon pino provide niya pa dn ung pang araw2 namin ng pinagbubuntis ko andon ung nag uulam ako ng bagoong na isda para lang magkaroon ng laman ung tiyan ko andon ung doon nalng ako natutulog sa cr kasi pinapalayas na ako ng mga ka boardmate ko kasi ala na akong pambayad at pang ambag sa bahay na ne rentahan.. Ang tanging kakampi ko lang sa panahon na yun walang iba kundi ang Panginoon kausapin mo siya lahat ng nasa puso mo lahat ng bigat ibigay mo sa kanya nang sa ganon tulungan ka niyang dalhin..may awa ang Diyos mga 7 months ung tiyan ko nun may tumawag sa celpon ko tatay nang pinagdadalang tao ko at asawako ngaun dininig niya panalangin ko kaya pray ka lang wag ka mawalan ng pag asa..

Magbasa pa