Same here, ni hindi ka man lang o kahit yunh baby na lang ang makamusta. Sobrang nakakahiya na din sa parent ko. Pero mommy, ginawa kong motivation si baby para mas maging matibay pa. Konting tyaga lang o tiis lang, makakaahon din tayo. Dapat din po tayo maging matapang dahil di po tayo nawalan dahil nadagdagan pa tayo at blessing pa. Sa ngayon, di maiiwasan mainggit sa ibang tao dahil kumpleto and still unaasa na mabubuo pa. Okay lang, dapat mas igihan pa natin para wala din sila masabi sayo. Ipakita po natin na di natin sila papabayaan. Swerte pa din po natin dahil biniyayaan tayo ng isang batang mag aalaga at gagabay satin sa pagtanda.
Kaya mo yan Mamsh, gawin mong inspiration ung magiging baby mo, motivate mo ang sarili mo na kakayanin mo lahat. Blessing yan na dumating sayo. Single Mum ako, sa umpisa lang mahirap, pero pinili ko maging matatag, at sinabi ko sa sarili ko na papatunayan ko na kaya kung buhayin at palakihin ng tama ang anak ko. Ung mga nakapaligid sayo, hayaan mo sila, kasi ung ibang mga tao kasi may gagawin ka mang tama o mali, may masasabi parin sila sayo. Don't lose hope. Your baby will be your lucky charm. Kaya mo yan, iiyak ka pero sasabihin mo sa sarili mo sa next na pag iyak mo, ay tears of joy na. Ask God's guidance, tutulungan ka niya.
Kaya muyan mommy wag kalang mag papa apekto sa mga sina sabi nila. Ako nga at the age of 16 nabuntis ako and Hindi tanggap ng magulang ng nakabuntis sa akin kayo umalis ako don' sa lugar namin sa nimdanao pumunta ako dito sa manila nakipagsapalaran kasama mama ko kmi Lang dalawa kasambahay naman mama ko dito. Pero sxa yung nag alaga sa akin hanggan makapanganak ako. Hindi kuna pinansin yung mga sinasabi ng ibang tao tinatagan kulang loob ko para sa anak ko Nakayanan kuna man and ngaun mag 2yrs na baby ko at maswerte ako ksi may taong nagmahal sa akin yun ang pamilya ko.
May reason kung bakit nangyari ang lahat, eto ko. 1month and 22days old na baby ko. Yes nakukumpara pa ako ng family ko sa kakilala nila. And yes sobrang sakit na iwan ka pero its the gods way para ilayo ka sa hindi para sayo or sa makakasama sayo. Promise once na andyan na si baby mas magiging matatag ka. Ako nun magisang nagpapacheckup and yung mga kasabayan ko is with their partners samantalang ako, ako lang magisa. May better na dadating sa inyo ni baby wait mo langπ wag mo pansinin mga sinasabi ng iba. instead gawin mo yun para mas lalong mamotivate ka.
Awww. Naiyak ako. Alam ko sobrang bigat ng nararamdaman mo pero tama yung ginagawa mo, ipagdasal mo lang talaga. Ibigay mo kay God yung lahat ng pain. Malalagpasan mo yan. Malakas ka, lalong-lalo na baby mo. Kasi kahit na iniwan ka na ng partner mk, may isang nagsstay pa rin at pinipili ka, yun yung baby mo. πππ€° Pray ka lang mamsh. Read ka ng books, magDL ka ng mga painting apps, manood ka sa YouTube ng mga makeover (house, room, etc) make up tutorial, vlogs para madivert isip mo. It helps somehow. Listen to classic and nursery rhymes for your baby.
Hi mommy. Naniniwala ako na this situation of yours will be your strength someday. Naiintindihan kong mahirap ang pjnagdadanan mo. Pag lumabas na si baby mo, mas mahirap lalo na aa early days ni baby. Pero sobrang sulit at nakakawala ng stress pag nagssmile na siya. Kaya mo yan. Tska yung mga nakapaligid sayo lalo na family mo, mawawala yung negative sa kanila. Iba kasi pag may baby sa bahay. May nagbibigay kasiyahan. Ingat ka po. Kaya mo yan. Ok na nagvvent ka sa gnitong group. Marerealize mo maraming nakasuporta sayo.
same din sa akin.. kya lng kapal ng mukha ng partner ko.. palagi nyang pinapasama loob ko... gusto nyang gumala ksama brkada nya.. d nya inisip png pa ultrasound ng ank nmin.. haha. ..d pa nga natapos yong pagpaprenatal ko.. d pa ako nkblik don kc wlng pamasahe.. mas inuna pa nya yong mga brkada nya.. hirap din sitwasyon ko .. mas ok sna if d na kmi ngsama.. d pa cguro ako mgkaproblema ng gnito.. kya kw sis... d ka ng.iisa.. icpin mo nlng future ng bby mo... pray lng ng pray.. lilipas din to..
Kaya mo yan sis.. alam ko mahirap pinagdadaanan mo, mahirap ung mag isa.. Pero someday magiging maayos dn ang lahat, sa naun tiyaga lang, tiis lang muna. Magdasal ka lang palagi ke lord sigurado naman papakinggan ka nya. C baby pagkuhanan mo ng lakas para makayanan lahat! Mas pilitin mo maging masaya at maging normal ang lahat kahit maging single mom ka. May karma naman ung mga lalaking walang bayag na di kayang panindigan ung mga nabuntis nila ee.. Kayang kaya mo yan! pray lang..
Mataas kasi ang hormones ng buntis kaya mas sensitive sa mga bagay bagay..itawa mo lang yan mommy magiging ok din ang lahat..plagi kang mgpakatatag kaya mo yan kayanin mo yan para sa baby mo.d porket di ka pinandigan ng ama ng baby mo iisipin mo na kawawa kana agad..isipin mo plagi na maswerte ka kasi may blessing na binigay sau..at yan baby na yan magiging kasangga at katuwang mo pagdating ng araw kaya alagaan mo sarili mo at ung baby..think positive lang plagi at pray plagi ok.
Sis. Same case tayo. Wala dn ama tong pinagbbuntis ko. Pero madami naman nagchicheer-up sakin. Minsan, di rin tlaga maiwasan na may mga naririnig ka na Negative. Ako sanay nako. Sanay naman kasi ako maging independent. Kahit noon pang nagaaral ako. Minsan maiiyak kana lang dn sa mga nangyyre. Pero may purpose si God kung bakit nangyyre lahat. Need lang isipin na kaya natin sis. Kasi pag inisipan mo ng Negative, negative nalang tlaga ang magging Impact sayo. πβ€