Ano bang dapat kong gawin? Single mom ako at nagkaroon ako now ng bf. Pero gusto niya ipagdamot ko

ang bata sa totoo niyang tatay. Halos bf ko na kase ang sumosuporta sa bata.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy pag usapan niyo ng bf mo yan.. Hindi ba sumusuporta totoong tatay ng bata? Pag usapan niyo din ng ex mo yan.. Maganda kasi maayos na pag uusap. Lalo na Kung apelydo ng bata ay apelyido ng tatay niya mas lalo may karapatan siya saka dapat mag abot siya senyo noh anak niya yan e.. Isa pa baka kasi nagseselos jowa mo mii makesure mo sakanya na sa bata nalang ang koneksyon mo ng ex mo at wala ng iba pa.. Isa pa ang totoong nagmamahal hindi nagdadamot😊 Sabihin mo din kay jowa mo na kahit ayaw niya parte na ng buhay niyo si ex mo dahil may koneksyon kayo yun bata.. Kung magiging asawa mo si bf habang buhay niyo na kaparte si Ex dahil sa bata kaya dapat matanggap niya yan dahil minahal ka ni jowa ng may baby na😊

Magbasa pa

Sa tingin ko pinagdadamot ni bf mo ang anak mo sa tatay nya kasi mahal ka nya at ayaw ka nya mawala skanya. Iniisip kasi nya na bka posibleng magkabalikan kayo ng anak ng tatay nya. May question po ako sis. Bakit kayo ngkahiwalay ng tatay ng anak mo kht alam mo kung gaano kahirap para sa bata na lumaking walang tatay/nanay? tama ka naman po sis na hnd mo pwede ipagdamot ang anak neo sa tatay nya. Nalulungkot po ako sa sitwasyon ng bata. Ang advise ko sis kung kaya mo naman ay wag mo na cguro gawin kumplikado ang sitwasyon neo ng anak mo. Break mo na si bf mo. Para po yan sa anak mo.

Magbasa pa
3y ago

Hndi ko kayang hiwalayan yung bf ko kase sobrang mahal ko yun at marami na rin akong bagay na isinakripisyo para sa relasyon namin. Feeling kase niya lagi iiwan ko siya. Kung tutuusin halos siya at nag anak ko ang buhay ko. Gusto ko lang nman na kahit ppano makilala ng anak ko yung tatay niya . Tyaka never naman kami nagsama nung tatay niya. Nung buntis ako wala na halos pramdam yung tatay niya .

Halos yung tatay ng anak ko yung pinagaawayan namin ng bf ko.Ako kase di ko nakita yung totoo kong tatay pero nangungulila pa din ako sa knya. at ayoko maransana ng anak ko yun na di manlang niya nakita ang tatay niya.