Never enough 😢
It’s always been a dream to exclusive breastfeed since my first baby. Kaya lang laging hindi nasusunod dahil ang matatanda sa paligod ko kontra, hindi daw sapat ang gatas ko, hindi nabubusog ang baby kaya always end up mix feeding hanggang maging exclusive formula feeding ang mga anak ko. I gave birth 2 weeks ago. Since day 1 ebf si baby. Akala ko ito na matutuloy na ang dream ko since nakabukod na kami. Kaso mukhang hindi rin pala. Husband ko, biyenan ko, pati tiyahin ni husband same din sinasabi. Di daw enough ang gatas ko. Hindi nabubusog si baby. Hindi daw lumalaki. Last night iyak lang ako ng iyak na baka tama nga sila. Sobrang dismayado lang ako sa sarili ko kasi ginawa ko naman lahat, i took vitamins, malunggay, kumakain ako ng kumakain, but still it’s not enough. Now i feel useless and I feel guilty na baka sa selfishness ko to breastfeed napahamak ko pa anak ko. Hindi ko na alam kung ano pa iisipin ko, hindi ako masaya sa sarili ko na push ko pa mag ebf. Naiinis ako na sana pala since day 1 sinunod ko na lang sila.