Pagseselos

Almost two years na ako nagseselos, sabi ng bf ko tropa lang daw niya. Pero kung tropa lang nalalayuan diba? Umabot pa sa puntong blinock ko yung babae sa mga accounts niya sa messenger at ig. Matagal nanahimik pero ayan nanaman sa tuwing magkaaway o nagkakatampuhan kami ng bf ko lumilitaw siya. Tas kahapon nakita ko naka unblock both accounts imagine ako nakablock sa ig niya tas yung pinagseselosan ko na tropa niya lang daw hindi na naka block. Sabi niya may itinanong lang daw, legit daw ba na preggy ako. Samantalang nung nakaraan sabi ng bf ko na nagpepresinta na mag ninang yung babae. Hindi ko alam ang bigat bigat sa pakiramdam na selos ka pa rin ng selos sa iisang babae pero hindi naman magawang layuan ng tuluyan ng bf mo. Nakakastress. Tas ngayon yung bf ko pa yung galit. Ang sakit sobra kinakain ako ng insecurities ko at selos. Kasi ako kailangan ko pang magmakaawa para iunblock ako pag magkaaway kami pero yun yung tropa niya lang may itatanong lang naka unblock na.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy ganyan po talaga ang preggy nagooverthink and sensitive. ganyan na ganyan din po ako kahit sinisigurado naman ng bf ko na wala syang babae at lagi naman kaming magkasama kaso may duda parin ako, ewan ko basta nararamdaman ko nalang din po talaga. masyado po akong nagiisip ng kung ano ano at feeling ko di ako enough at dami kong pagkukulang bilang babae at gf nya. i think its norma.l. hanggang ngayong nanganak na po ako nagiisip parin po ako ng kung ano ano at feeling ko totoo yung iniisip ko. sa case nyo po, wag nyo po masyadong isipin. libangin nyo po sarili nyo dahil yung stress nyo kakaisip, naapektuhan po si baby. pray lang po lagi at gagabayan kayo ni Lord. Goodluck and God Bless you po. Wag nyo pong sayangin yung oras nyo sa mga ganyang tao lalo na buntis kayo. Magusap po kayo ng masinsinan about dyan, kung di na po tama at di nyo na po kayang ihandle, give yourself a break. wag nyo pong hahayaan na may makasama sa mental and emotional health nyo ni baby. Fighting Mommy!! 😊❤

Magbasa pa