Sharing my birth story
It's almost two months since I gave birth to our lil' sunshine, my rainbow baby. Nahirapan kasi ako mga momsh kaya ngayon lang makakapag share. Ang hirap magbuntis pero mas challenging pala talaga pag andyan na si baby, mahirap pero masarap. 06 Oct - 2 cm na ako, but since it's just 2 cm and no other signs of contractions, I was advised to go home and come back on 11 Oct or if I feel the need, pero sabi mi OB ledeng di pa talaga since 26 Oct naman talaga EDD ko. 11 Oct - During the check up, my OB noticed na nagleak na pala ang water bag ko and di na Ok, so she decided na iadmit nako for induced labor. I thought I was prepared but I wasn't really pala, I tried to be calm, I was even joking pero deep inside I was in panic na pala. I was with my mom then, may very important event kasi ang hubby ko sa office that day. The problem is, baby's things are all packed and prepared at home pero hindi pa ung sakin, I didn't have cash as well kasi di talaga namin niwithdraw until maadmit ako, kaso the atm card is with my hubby. Buti mabait ang hospital at inadmit kami kahit na wala kami cash, need kasi ng deposit. I was trying to call my husband pero di sumasagot, kalma lang ako nagssmile tumatawa nagjojoke pero un pala anxious na ko deep inside, when the nurse checked my vitals, 160/100 na ang bp ko pero wala naman ako nararamdaman anything. Siguro nga nagpapanic ako pero in denial lang. 2 PM kinabit na un IV for induced labor, dinala na ako sa labor room. Mababait ang mga nurses, nakikipagkwentuhan sayo, pinapalakas loob mo, ewan ko ba ang kalma kalma ko naman pero 170/100 ung bp ko. 6:30 PM nagrounds na si OB, 4 cm na ako, pinabilis na ang drops ng IV. My OB asked me if I want to eat or drink sabi ko lang gusto ko po makakita ng kakampi hehe. Tumawa sila, feeling ko kasi I was so alone. Finally, andun na si hubby, he stayed with me for 10 mins, bawal kasi ang kasama sa labor room. When he left, siguro nahabag ako sa sarili ko, I have really low pain tolerance at nagpapanic ako pag feeling ko wala ako kakilala sa tabi ko, ending 190/110 ang bp ko. May danger ako for seizure so nireready nako for CS. Pero I was praying then na sana mainormal ko. I had Gestational diabetes and hypertension plus asthma and just had a pneumonia kaya medyo delikado din talaga un lagay ko that time. Pero I kept praying pati si OB ko ang bait, sobrang anghel sya sa paningin ko kasi lagi nya ko ineencourage, 'Jen, kaya natin yan, di tayo ma cCS, mamaya bababa din bp mo'. Pinipilit ko di umiyak nun kasi pag umiyak ako may danger na hikain ako so pakatatag momsh. Before my OB left for another patient I was at 4 cm. 8 pm - I was at 5cm, ramdam ko na un pain, gusto ko sumigaw, ansakit kasi pero pigil lang. 9 pm - I was at 6 cm, sobra na un sakit parang un balakang ko hinahatak, parang mapuputol. Pinipikit ko na lang ang mata ko everytime na magcocontract. Samahan pa nung agony na I need to press ung nakakabit sakin na parang belt everytime I feel contraction. Mabuti na lang sobrang supportive nung labor nurse ko, sinasabayan nya ko sa pag inhale exhale at pinapalakas nya ang loob ko. Lahat ng advice nya sinunod ko, kahit I was in so much pain pinilit kong wag sumigaw kahit na kinig ko ang sigaw nung dalawang kasabay ko na naglelabor kahit na gusto ko ng sipain si ate nurse sa sakit ng nararamdaman ko, pinilit kong kayanin kahit na hirap na hirap na ako, sabi kasi nila mas kailangan ko ng energy habang nanganganak so di ko dapat ubusin lakas ko. 9:30 PM 6-7 cm na ako. Soooooobrang sakit. Sooobrang naawa ako sa sarili ko, feeling ko wala ako kakampi, while I was in pain, pabulong ko sinasabi, hunny, mama, ansakit sakit. Ang masaklap pa, sa kabilang labor room biglang lumabas ung baby nung isang mommy eh wla pa un OB nya so punta sa kanya mga nurses pati nurse ko to assist, ilang minutes din un so feeling ko talaga I was all alone. Pagbalik ni nurse, nagrequest na talaga ako if pede na mag epidural kasi baka diko na kayanin. Kaso may nakasalang pa sa delivery room at lilinisin pa un bago ako ilipat dun. Dahil diko na talaga kaya, nagmakaawa na talaga ako kaya napilitan sila na ilabas ako sa labor room at ilagay sa labas ng delivery room, ewan ko ba, nakampante ako na inalis nako sa labor room , para g feeling ko kasi malapit na matapos paghihirap ko nung inalis ako dun. Nung sinalang na ko sa delivery room, nilagyan nako epidural. Hirap na ko feeling ko that time parang mamatay nako anytime, bumaba din O2 saturation ko, mataas pa din BP ko. Ewan ko ba, angel ata talaga na binaba sa lupa un OB ko, nung dumating sya, sya lang ang maliwanag na nakikita ko kahit na madaming andun, nurse, pedia, anes pero sya lang nakikita ko. Tanda ko lang sinabi ko, doc, please help me, please save me kakayanin ko inormal and then she said, Oo Jen, kaya natin, normal natin. Hinawakan nya un tyan ko and she coached me kung kelan iire, kung kelan pipigilin ang ire she even helped me count and coached me kelan push. Habang umiire ako, she was full of encouragement 'Jen, ang galing mo, tama yan, sige kaya natin, jen, andyan na si baby' Then I passed out, when I woke uo nakita ko si baby nakapatong sa dibdib ko pero di sya umiyak agad, wala na akong lakas pero gustong gusto ko tanungin, bakit, ano nangyayari, kasi shineshake nila si baby, natakot ako nun, iiyak na sana ako ng biglang umiyak ng malakas si baby. Akala ko talaga wala si baby pero thank God, ayan. Ayan na ang baby ko, malusog. The next thing, I was transferred sa ward, ewan ko ba andaming pasyente that day at ubos mga rooms so sa ward muna ako. Di kasi ako pede sa shared room dahil sa health conditions ko. May kashare ako, ung isa, sya un nanganak biglaan sa kabilang labor room, at ung isa preggy pa lng na naadmit kasi high blood. And then I witnessed something really scary, at arounf 6 am, I was having breakfast, ung preggy sa kabilang bed nag seizure. It was my first time to see someone like that, nanigas, nagshake ang katawan tapos bumula ang bibig and may malalim na sounds na parang snore na lumalabas sa mouth nya. Two male nurses, one female nurse at ung hubby nya ang humawak sa body nya para magstop from shaking. I heard 190/110 ung BP nya, naiyak talaga ako nun kasi thank God di ako nagseizure kahit na same kami.ng BP. Anyway, just wanted to share my journey. Ngayon, madaming challenges as a first time mom pero very fulfilling naman. Feeling ko tuloy kaya ko na iconquer kahit anong hamon ng life hehe. Salamat sa pagbabasa mga momsh, if nabasa mo talaga, sensya na ang haba. Hehe