✕

Thankful Wifey

Almost 8yrs kami ni hubby as bf/gf nang magpakasal kami last yr. College sweethearts kami and classmates from 1st yr-4th yr. Naging kami 2nd yr. Halos palagi kami magkasama. Pero hndi ako mahigpit na gf. Kaya kung san san parin siya nkakapunta and nakakapagjam with his friends. Ako naman, school bahay lng tlga ako. Pero mrami dn naman akong friends. Mas prefer ko lng tlga magstay sa bahay😅. Kapag may date kami weekdays or weekends, hindi kami naabutan ng gabi. Dapat 6pm pauwi nako. Kasi medyo strict papa ko tho legal kami both sides. Nasanay kami sa ganung routine. Never kami nakapagdinner date nung mag bf/gf plng kami. Then recently lang, mag asawa na kami, dahil ata sa buntis ako at sa hormones narn, first time ko msabihan siya ng di maganda. Guilty naman ako dun kasi di ko dn sinasadya. Nabigla ako. Nagkaayos kami. Then kagabi, naginuman sila nina papa, dito nga pala kami nakatira sa bahay namin kasama papa ko, kaming dlwa lang kasi ni papa dito sa bahay simula nung magcollege sa malayo kapatid ko, ntapos na sila, tapos habang naghuhugas sya, naglalambing ako, wc is lagi ko naman gngwa, tapos natithank you ako sknya kasi inaalagaan niya kami ni baby, halos sya lahat kasi maselan pagbubuntis ko, tapos nagsorry ako ult nung ksalanan ko skniya nung nakaraan, tapos dun siya naglabas ng sama ng loob sakin na dala dala niya pala matagal na, mahinahon niyang sinasabi sakin habang umiiyak siya, grabe. Ilang taon kami as bf/gf diko alam na mrami akong pagkukulang skniya. Pero di niya ako iniwan. Ganun pala pakiramdam kapag yung lalake na ang naglabas ng sama ng loob, tapos mahinahon pa habang umiiyak. Sorry ako ng sorry kasi diko alam na ganun pala pinagdadaanan niya. Sana pala kahit minsan noon, pumayag ako na makalagpas sa alas sais kapag nagdidate kami. Sabi niya sakin, noon pa dw bawas na oras ko skniya kasi lagi ko dw iniisip si papa. Tho natatakot lng tlga ako na baka magbago tingin ni papa skniya. Nung nagkawork naman kami pareho, after out namin ng 5, ilang minuto lng kami nagkakasama, mnsan hndi pa kami nagkikita, kasi nagmamadali nako umuwi. Kasi iniisip ko dn nung time na un baka wala pa pagkain sa bahay. Pag 6pm kasi dinner na namin sa bahay. Hindi naman ako naistress. Napagtanto ko lng na kaya pala mnsan noon kahit malambing siya prang malamig padn. Nagtatampo pla siya. Ngayon, diko pa dn siya mpagbigyan sa pag gala kahit mag asawa na kami. Kasi after ng kasal namin, nagbuntis ako agad..tapos maselan din. Di pa ako pwede maglakad ng matagal, mapagod, mamasyal. Diko alam pano ako babawi skaniya. Grabe. Mahal na mahal ako ng napangasawa ko. Na prang nakakaguilty tuloy kpag may gusto siya gawin ksama ako tapos di ako pwede. 😥

3 Replies

VIP Member

Para kong nagbabasa ng story namen ni hubby. Same tayo. May curfew din bukod sa bundok pa kase ang uuwian ni hubby ayaw din kase nya na may masasabi both sides na pwede naman maghapon magkasama bakit papagabi pa. Siguro sa ngayon... ingatan mo mabuti muna sarili mo since maselan ka magbuntis. Bawi ka paglabas ni baby pagkaya mo na. Madami pa namang araw para bumawi. Alagaan mo din sya gaya ng pag aalaga nya sayo. Swerte tayo sa mga asawa naten.

VIP Member

Baguhin mo yung nakasanayan nyo, mie kung gusto mo bumawi sa kanya. Ipagluto mo sya, yayain mo sya kumain lumabas, magchill and Netflix together since hindi pa safe magsine. Isurprise mo sya on special occasions. You are so lucky indeed! Don't worry, you will get through it. 😉

Salamat po mga momsh. well appreciated po👶💞

Trending na Tanong