masakit balakang
Almost 11 weeks pregnant na po ako, at sobrang sakit po ng balakang ko ngayon. Kanina pa po itong umaga. Normal po ba ito? May naka-experienced din po ba na ganito dito? Wala kasi umaalalay saken, ofw si mister, kami lang mga bata nandto sa bahay.

Ganyan din po sakin. 14 weeks preggy. Masakit din lower back ko at minsan may pumipitik sa pantog.. Pero ihi nman po ako ng ihi.. Niresetahan ako ng doctor ng pang uti pero natatakot naman ako uminum kase prang feeling ko na detect lang yun kase a day before ako nag pa check up bumyahe ako at nagpigil ng ihi kaya feeling ko yun lang reason kaya may na detect na uti sakin. Kase pag andito lang naman sa bahay ihi ako ng ihi.. Dapat ko parin bang inumin yung nireseta sakin o mag water therapy nalang ako??
Magbasa pa


soon to be mommy