2 Replies
Same po tayo. Simula nabuntis ako puro mabibigat na problem kasi ang dumating samin ng partner ko kaya lagi akong stressed, nag-iisip at umiiyak. Dumating na din sa point na gusto na namin mag give up pero parang binigay ni Lord itong baby namin para lumaban kami, para magka-reason para maging thankful, ituloy ang buhay namin and feel blessed. Try niyo mag-usap ng partner mo, gawin niyong bonding yung pagkausap kay baby. I-feel niyo pareho yung kicks niya, kantahan niyo pareho ng song yung baby niyo. Di po talaga maiiwasan ang stress at problema, pero remind ko po kayo na may mga laban na hindi kailangan labanan at may mga laban din na nilalabanan. Wag mo torturin self mo, isipin mo kahit sobrang nakakastress ang buhay, may magandang nangyari parin sayo yun yung binigyan ka ng baby. Minsan marerealize mo na sobrang amazing ng panginoon kasi may buhay sa loob ng katawan mo, may gumagalaw at lumalaking baby sa loob ng tyan mo. Ang galing diba? Okay lang mastress pero mag effort ka din para maiwasan mo yung stress. Like pwede ka maglibang, mag games ka, read stuff about babies, watch tv or series na maganda ang kwento. Sorry napahaba ang chika ko, nafefeel ko kasi yung nafefeel mo. Minsan napagiinitan ko pa ng ulo yung mga kasama ko sa house. Pero normal satin mga buntis yun because of hormones. Be thankful nalang for what you have and always pray. Surrender all your worries kay Lord. God bless po. Congrats, baby girl din po ang baby ko ☺️
vivian reyes