Alam nyo ba na 7.6% ang ibinaba ng coverage ng routine immunization sa ating bansa from 2019 to 2020 dahil sa COVID19 pandemic?
May mga magulang na takot lumabas ng bahay dahil baka makasagap ng virus at maipasa sa mga bata;
Ang mga health workers naman sa Pilipinas ay naredeploy at naging contact tracers, taga implement ng swab test, at taga alaga ng mga COVID19 patients.
Ayon sa DOH, ang herd immunity ay makakamit lang kapag mataas ang coverage natin sa bakuna. Hindi lang sa COVID19 vaccine ito applicable, hinihikayat talaga natin na mapabakunahan ang ating mga anak habang baby pa lamang upang maproteksyunan sila sa nakakamamatay na sakit.
#TeamBakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkforAll