walang ingat

Alam niu ba yung pakiramdam na basta gamit ng baby mo, gusto mo sobrang ingatan? Niregaluhan ako ng kapatid ko ng fetal doppler. Ingat na ingat ako. Hindi ko inalis yung screen protector nia. Hanggang sa box, iniwasan ko masira. Kasi yun yung tool na naririnig ko heartbeat ng baby. Kaya sobrang precious nia sakin. Then, isang araw hiniram yun ng pinsan ng asawa ko. Keri lang. Sobrang okay lang sakin. Kasi ECQ. Mahirap talaga lumabas at magpacheck up. Kaso nung binalik na. Nakaalis na screen protector, sira sira ang box. Lukot lukot ang manual. Puro gasgas yung mismong doppler. Sobrang sama ng loob ko. Naiyak ako. Alam ko simpleng bagay lang pero iyak talaga ako ng iyak :'( di ko mapigilan. ???

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mali naman kasi talaga siya. Ang burara. Wag ka na lang magpahiram uli sa susunod.