Biyenan ko at Asawa ko

Hi ako si Elle ,Nagtalo kami ng biyenan ko ngayon dahil ayaw ako pauwiin saamin dahil baka magwala daw anak niya nung umalis kami ng anak ko,Hindi kasi ako nagpaalam sa biyenan ko na aalis kami dahil sobrang sama ng loob ko asawa ko hindi siya nagpaalam na iinom siya ang sabi niya saakin magpapa gas lang Eh mga momshie nakakasanayan na lagi nang asawa ko mag sinungaling saakin kaya ang gusto ko magtanda asawa ko ,tapos ang sabi ng biyenan bastos daw ako dahil di ako nag paalam na aalis kami ng baby ko sabi ko sa biyenan ko "mas bastos anak nyo dahil asawa ako at hindi nagpaalam " dinadamay ko pa daw bata eh anak ko yun pinilit lang ako ng anak niya dito kami tumira dahil nagkasagutan sila nang tatay ko at asawa ko dahil sa paginom at kung di ako sumama sa kanya baka mas lalong malaking gulo dahil kukunin daw niya baby namin at hahatakin daw niya ako para dun na tumira sa kanila ,ang punto ng nanay niya "Bakit nakikilala mo Asawa mo na umiinom nun ah "ang sabi ko naman malay ko ba magbabago dahil tatay na siya di na siya buhay binata. Ang hirap nang sama sama sobra gusto ko sa mama ko ipaalaga pag nag work ako kaso ayaw ng asawa ko dahil di sila okay ng pamilya ko ,sabi ko kayo lang di okay kami okay kaya gusto ipaalaga anak ko sa mama at ate ko ayoko ipaalaga sa iba ang gusto kasi ng asawa kong magaling eh ipaalaga niya sa ibang tao ,promise nahihirapan ako dito nanay niya di ko naman maasahan dahil puro cellphone at puro chat sa foreigner kakabwiset . Stress na stress ako minsan takot ako sa asawa ko dahil nasaktan na niya ako nun buhat ko si baby nun sinakal niya ako at sinampal dahil sinampal ko din siya nun lasing kasi minumura niya ako kaya sinampal ko siya kaya minsan takot ako sa kanya feeling ko lagi na lang nanaig takot ko sa kanya pero isang beses lang nangyare yun last year pa pero parang natrauma ako nun kasi nagwawala siya tapos nandito kami ulit sa bahay nila dito nangyare yung sinaktan niya ako sa bahay nila nakita nang biyenan ko at mga kapatid niya. Pero mamshie di na po naulit yun binigyan ko siya chance kaso lagi siya umiinom tama po desisyon ko na iwanan ko na siya? Ano po gagawin ko ? #ElleStory

1 Replies

VIP Member

I don't think he' s worth all of you. In short, wag mo sayangin ang sarili mo sa knya. Bilang ama, may karapatan at responsibilidad sya sa anak nyo. At hindi yun dapat mawala maghiwalay man kayo o hindi. Wag ka matakot maging single mom kung yun naman na talaga ang kailangan. Ang mahalaga naman may anak ka na. Mas isipin mo ang sarili mo at ang mgiging kalagayn ng anak mo kesa sa asawa mo. Sinaktan kna pla e. At hindi biro ang pananakit ng asawa. Ibang usapan na yan. Hindi ka nakakasiguro na hindi na yan mauulit pa. Isipin mo na mkakaya mo kahit mwala man sya kasal man kayo o hindi. Tapos kasma pa parents nya. Hindi ko sinasabing hindi mo respetuhin ang bynena mo ha... Ang magulang ay magulang. Hindi natin mababago yun and as much as possible, hindi dapat kinakalaban ang byenan. But my very point is, hindi matututo at magmamature ang asawa mo kung nakasandal sa magulang. Iba pa din ang lalake na kayang ibukod ang asawa nya at anak nya. Iba ang buhay kapag kayo lang at wala kahit sino kaaanak na kasama sa bahay kasi dun kayo talaga matututo sa isa't isa na maging responsable. Kasundo mo man o hindi ang in-laws mo dapat talaga kayong mag-asawa ay nakabukod. Para sakin, ganun naman talaga dapat. Para mas mkapgusap kayo ng maayos kung ano ang mga kelangan nyong ayusin sa ugali ng isa't isa. Kung mahal ka talaga ng asawa, im sure mkikinig naman sya sayo and willing sya magbago.

Thank you po mamshie sa advice siguro kailangan talaga na bumukod kami.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles