Ilang weeks na po si baby nyo? Kung makakapag ultrasound pa po kayo uli, hopefully magimprove ang kidney ni baby. Same case po tayo, nadetect both kidneys na dilated nung nagpa CAS ako. Then pinaulit after 4 weeks, and right kidney nalang. Then I had my BPS nung 34 weeks and ninote ni OB ko sa request na for monitoring ang kidney ni baby so ininclude ang pagcheck sa size ng kidney, and ayun po finally okay na both kidneys. Mommy, dont lose hope and ipagpray nyo po lagi na maging okay si baby. Ayan po ang ginawa ko kasi sa case nya wala naman pong medications na pwedeng gawin para magimprove ang kidney nya bago lumabas. Ang development naman daw po ng body ng isang tao is until 18 years old. So pag gantong case na lumabas na may renal pelvis pa din, imomonitor lang si anak hanggang lumaki, kung hirap sa pag wiwi etc. Wala naman daw gamot na pwedeng itake or any intervention ng doctor such as operation para mawala ang ganyang condition ng bata. Pwede kasing madevelop pa and eventually the size of the kidney is magnormalize na as years go by. Hopefully, may ultrasound pa po kayo uli and ipamonitor ni OB ang kidney ni baby to see if nagiimprove. Prayers mi.
kung ano ang sabi ni ob, sundin nyo nalang
Jonalyn Mariño - Santos