SMALL GESTATIONAL SAC
Ako po ay 7w4d kahapon sa aking bilang. Nakunan po ako last year sa aking first pregnancy. Nadiagnose po ako dati na may PCOS and hindi po normal menstruation ko. After ko po nakunan last year, hindi nag stop bleeding ko and just found out na may bukol daw pala ako sa matres. Pero this year, beffore ako mabuntis, sinabi naman ng ob ko na maliit nalang bukol ko. Nagpapaworkout po kameng mag asawa sa aking OB para po mabless kame ng Baby. And nung magpacheck up po ako ng pre natal, sabi po ay maganda daw kapit ni baby. Kahapon po nung follow up check up ko, sinabi ng ob ko na may possibility daw po ako makunan ulit kase maliit daw po gestational sac ng baby. Pasensya na po sa mahabang post, hingi lang po ako ng payo on what to do, and if ever, baka may idea kayo kung ano dapat ko gawin. Im taking 2 duphaston per day, and aspirin after dinner. Thank you. #firstbaby #advicepls #theasianparentph #sharingiscaring #1stimemom