Ako lang po ba dito ang pinagsasabihan ng partner nya ng gantong salita na, "Palibhasa dika graduate kaya parang squatter ugali mo!". Yung tipong pag nagaaway kami lagi nya sinasabe sakin yan porket graduate sya ng college at ako college undergrad lang kasi maaga po akong nagwork dahil po nagkaroon ng financial problems family ko nung time na nagstop ako dati para din makatulong. Ilang beses ko sinabe sa kanya yon pero di nya maunawaan. Pero pag naman tuwing magaapply kami sa work like for example same company, mas madalas akong natatanggap kesa sa kanya kasi mas magaling naman ako smartwise. Bat ganon, may mga taong mahilig mang-degrade pero di nila nakikita sarili nila kung hanggang saan lang kaya nila. Masyado pong mayabang porket nakagraduate ng college eh. Hindi ko po nilalahat, meron kasi talagang ganung tao eh. Taas ng tingin masyado sa sarili wala pa namang nararating. Nakakatawa minsan.
Anonymous