Palabas lang ng saloobin mga mi tungkol sa SIL

Ako lang ba yung di kaclose masyado si SIL? Feel ko kasi una palang para di niya gusto saken, hindi siya nagrereact ng like or heart sa mga post ko at post ng asawa ko na kasama ako. At tuwing magchachat ako sa gc namin, hindi niya pinapansin mga chats ko, di rin siya nagrereact. Pero pag asawa ko kahit nonsense pinapansin niya…Kahit lumalabas kami ng magkasama di niya ko ganun kinakausap..ung asawa ko lagi niya kinakausap so ako naman minsan awkward ang feeling…Close sila ng asawa ko(kuya niya) before pa naging kami. Pero parang nung naging kami ng kuya niya parang feeling ko di tlaga ko gusto. Never naman kami nag away or nagkaroon ng misunderstanding. di niya ba talaga ko gusto? Or praning lang ako? Minsan nagkaka anxiety na ko dahil dun, buntis pa man din ako. Nalulungkot ako kasi ganun yung turing sakin.l ng SIL ko.. Sensya na mga mi, medyo magulo kwento ko. Gusto ko lang ishare kung paano niyo naihahandle yung ganitong sitwasyon niyo sa sil na same din sakin..#advicepls

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mamsh, kung ako sayo hayaan muna lang po.. tutal mas bata naman sya sayo, alangan namang ikaw pang mas matanda ang mag please sa kanya? Edi hayaan mo sya, kung ayaw nya sayo, edi don't, D ba? As long as good na good kayo ni hubby mo, D mo kelangang iplease yang SIL mo😊 basta ikaw mamsh, be happy wag muna istresin yang sarili mo sa walang ka kwenta kwentang bagay, D yan makakatulong sainyo ni baby mo😊

Magbasa pa
3y ago

Thank you miii 💗