Milk
Ako lang ba or naranasan nyo rin yung nasusugatan dede nyo pag nag be breastfeed? Sakin kasi ang hapdi, yung tipong dumudugo na. Pahelp naman po. Ayaw kasi dumede ng baby ko sa bottle
Hi mommy 😊 what age na po si baby? If newborn po normal lang po yan. Pinagdaanan ko din yan umiiyak ako kapag dedede na si baby kasi ang sakit. Laway lang din po ni baby ang magpapagaling sa sugat saka airdry lang mommy wag m pupunasan ng kht ano hayaan mo lang mahanginan. And mas better po na hnd dumedede sa bote si baby. Mas mapupush kayo magbreastfeed. Baka po magkanipple confusion si baby kapag natuto sya sa bote . Meaning hnd na po sya dedede sa inyo mawawala ang milk nyo 😔. Kaya yan mamsh 🥰🥰 kaht ano kaya natin tiisin basta para kay baby.. and btw. Okay lang po kaht may dugong madede si baby. Normal lang po yan. Pero if ever po na pa balikbalik na nagkakasugat ang nipple nyo check nyo po kung tama ba ang pagkakalatch ni baby (dapat po deep latch para hindi kayo masaktan) or baka may liptied or tonguetied sya.. observe lang po.
Magbasa pa