TAKOT

Ako Lang ba? Na parang takot Sa tubig, Hindi naliligo Kasi ang lamig lamig ? halos twice a week nalang naliligo Hindi naman Ako ganito dati. Start Lang Ng nabuntis Ako ulit. #14weekspreggy ?

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hahahah dika nag iisa ako 2 beses lang naliligo sa loob ng isang linggo dahil tamad na tamad ako at feeling ko anlamig lamig😂😂😂😂 hugas hugas at himalos lang, minsan panga di nakakapag toothbrush kasi sukang suka ako sa lasa ng toothpaste pati kinain ko luwa lahat 😂😂😂😂

ako din..pero dhil sanay katawan ko na laging malinis, hindi ako naliligo tlaga pero magbubuhos pdin ako sa katawan ng water at maglilinis twice a day..pero ulo hindi..tlagang napipilitan lang ako magbuhos 😂 qng pde lang buksan ac ng 24 hrs. d tlaga ako magbabasa ng katawan😂

Ako po before mag buntis Kaya ko maligo 3x a day kahit walang mainit na tubig. Nung nabuntis na (1st and 2nd tri.) di na nga makaligo nang walng mainit, tinatamad pa 🤭 But now nasa 3rd tri na ko. gusto ko na parati maligo, keri na pati kahit di mag init nang water 🤭🤭

VIP Member

Same experienc during my 1st trimester. okay lang yan haha ganyan talaga, you'll experience a lot of changes with yourself.. mood, food, likes and more. Fighting langgggg mahaba pa journey mo ng pregnancy sis ❤️❤️

Ganyan ako nung first tri ko, tamad maligo at ginaw na ginaw. Pero kahit di magshower or maligo dapat every day padin magwash ng pem 🙂 pagshampoo ko 2-3x a week pero yung sa shower lang every other day.

VIP Member

haha pareho tayo sis. simula nung napreggy din ako. pero before 2x pako naliligo may hilamos pang kasama. ngayon maliligo ako wala pang 10mins tapos na ko. haha. minsan wala pang ligo 🤣

ako din mums di talga ako naliligo kapag wlang tubig na mainit. para makaligo araw araw bumili ako ng heater na sinasaksak lang para mas mura keysa shower heater talga☺️

me!! super tamad ko maligo 😩 katawan ko lang nililiguan ko, sumasakit kasi ulo ko na para kong nakalutang pag basa buhok ko idk whyyy

iba2x po pala talaga. ako gusto kong maligo ng maligo.. kong di ka gusto malamigan mommy pwedi naman lagyan mo kaunting mainit na tubig.

Ganyan di po ako sa second baby ko po. Tinatamad talaga ako maligo kaya pag napasok ako sa work wala talaga akong ligo 😂

4y ago

hahahha.same pasok sa.office wlaang ligo din ako😅😅