Rant sa Biyenan

Ako lang ba na iinis sa biyenan ko, sa totoo lang nung una hindi naman talaga ako naiinis sakanya okay kami noon pero simula nung nanganak ako at nalaman ko yung totoo na hindi niya pala tanggap yung baby namin ng anak niya nung buntis palang ako, nag iba na yung tingin ko sakanya. Sobrang plastic niya, nung nanganak ako kung maka I love you sa anak namin akala mong hindi ipinag tabuyan noon. Tapos ngayon halos ayaw na ipahawak sakin. Nagagalit na sakin asawa ko bakit ko daw pinapabayaan na umiyak si baby. Hindi ko naman masabi sakanya na ayaw ibigay sakin ng mama niya gusto ng mama niya siya may buhat, siya mag papatulog, kapag mag m dedede ko lang nabubuhat si baby tapos lagi niya inaabangan pag tapos na kukunin agad. Pag nakatulog na kukunin ko na ayaw na ibigay sakin siya daw mag lalapag eh ayaw nga ni baby ng nilalapag ending pag nilapag magigising si baby siya ulit mag papatulog. Ang malala pa dun kakatapos lang niya manigarilyo gusto niya kunin na agad. Hindi ko na alam gagawin ko, naiiyak na lang ako. Ayoko naman mag ka pneumonia yung anak ko. Anong gagawin ko ?

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Cguro first apo nya kaya ganyan biyenan nyo po. Pero advice ko lang po ha kasi kahit mama ko ito din advice sa bago ako nag asawa na dapat may bahay kaming mag asawa kahit maliit lang kasi hindi pwede dalawang reyna ang meron sa bahay kahit gaano pa kayo kasundo. Kasi iba ang patakaran ng biyenan sa ating mga magulang. Kaya mag usap na lang kayong mag asawa at bumukod mas maganda at dalaw dalaw na lang po yong biyenan nyo or ikaw sa kanya.

Magbasa pa