Rant sa Biyenan

Ako lang ba na iinis sa biyenan ko, sa totoo lang nung una hindi naman talaga ako naiinis sakanya okay kami noon pero simula nung nanganak ako at nalaman ko yung totoo na hindi niya pala tanggap yung baby namin ng anak niya nung buntis palang ako, nag iba na yung tingin ko sakanya. Sobrang plastic niya, nung nanganak ako kung maka I love you sa anak namin akala mong hindi ipinag tabuyan noon. Tapos ngayon halos ayaw na ipahawak sakin. Nagagalit na sakin asawa ko bakit ko daw pinapabayaan na umiyak si baby. Hindi ko naman masabi sakanya na ayaw ibigay sakin ng mama niya gusto ng mama niya siya may buhat, siya mag papatulog, kapag mag m dedede ko lang nabubuhat si baby tapos lagi niya inaabangan pag tapos na kukunin agad. Pag nakatulog na kukunin ko na ayaw na ibigay sakin siya daw mag lalapag eh ayaw nga ni baby ng nilalapag ending pag nilapag magigising si baby siya ulit mag papatulog. Ang malala pa dun kakatapos lang niya manigarilyo gusto niya kunin na agad. Hindi ko na alam gagawin ko, naiiyak na lang ako. Ayoko naman mag ka pneumonia yung anak ko. Anong gagawin ko ?

42 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy, made-depress ka pa patuloy na di byenan ang aalaga kay baby. nung una nagkaganyan biyenan ko, di daw ako gusto ng anak ko kaya uniiyak sakin, pangalawang araw palang namin yan sa bahay nila at ang gusto eh sa tabi nya matutulog si baby para daw di ako maistress. eh mas naistress ako sa sinabi nya eh. nagkwento ako sa mga kapatid ko at humingi ako ng payo. ang grandparents ay nanjan apra maging guide lamang. hindi maging magulang. bilang ina, ikaw ang dapat kumalinga at guide lang si MIL. nilakasan ko loob ko at nung hinihingi nya sakin si baby para matulog kinagabihan, ay tumanggi ako at sinabi ko na sa kwarto namin sya matutulog. kailangan mo si baby at kailangan ka din ni baby emotionally. kaya ilaban mo mommy na sayo si baby. iguide ka nalang kamo. pag pumasok ka naman na sa work, si MIL na ang mag aalaga diba. eto lang pagkakataon mo magfulltime kay baby. dapat sulitin mo yan. God bless

Magbasa pa