Rant sa Biyenan

Ako lang ba na iinis sa biyenan ko, sa totoo lang nung una hindi naman talaga ako naiinis sakanya okay kami noon pero simula nung nanganak ako at nalaman ko yung totoo na hindi niya pala tanggap yung baby namin ng anak niya nung buntis palang ako, nag iba na yung tingin ko sakanya. Sobrang plastic niya, nung nanganak ako kung maka I love you sa anak namin akala mong hindi ipinag tabuyan noon. Tapos ngayon halos ayaw na ipahawak sakin. Nagagalit na sakin asawa ko bakit ko daw pinapabayaan na umiyak si baby. Hindi ko naman masabi sakanya na ayaw ibigay sakin ng mama niya gusto ng mama niya siya may buhat, siya mag papatulog, kapag mag m dedede ko lang nabubuhat si baby tapos lagi niya inaabangan pag tapos na kukunin agad. Pag nakatulog na kukunin ko na ayaw na ibigay sakin siya daw mag lalapag eh ayaw nga ni baby ng nilalapag ending pag nilapag magigising si baby siya ulit mag papatulog. Ang malala pa dun kakatapos lang niya manigarilyo gusto niya kunin na agad. Hindi ko na alam gagawin ko, naiiyak na lang ako. Ayoko naman mag ka pneumonia yung anak ko. Anong gagawin ko ?

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako galit na galit ako sa byanan ko di ko sya mapaptawad .. ugaling hayp buti di nakuha ng asawa q ugali ng nanay nya ..

5y ago

Same here... Cheers💓💓💓

VIP Member

Dapat ikaw ang masusunod. Ikaw ang nanay wag mo hayaan na apakan nya ang karapatan mo. Saka bumukod na kayo.

Nanay ka diba? Bakit ka pumapayag. Your child, your rules. Wag ka mahina :) tsaka bumukod na lang kayo.

Mainam mag usap kayo ng partner mo sis para sya kumausap sa nanay nya.. kalusugan ni baby nakasalalay

VIP Member

sabihin nyo sa asawa mo sitwasyon. at pagkatapos ng lockdown request ka na sa hubby mo na magbukod na kayo

Sampal ang dapat sa byenan mo para matauhan na wag siang epal sa buhay niong mag ina. 🙄

Relate ako sayo. Pero di sa biyenan ko, kundi sa mga kapatid ko. Hahay!

Buti na lang okay okay pa saken mga kapatid ng partner ko. 😪😪

Isa lanh naman solusyon dyan. Umalis kayo, at bumukod.

Bumukod kayo ng asawa mo. Sabihin mo mga rason kung bakit.