Ako lang ba?

Ako lang ba mag isa gumawa sa LO ko? 6 months na LO ko sobrang stress at depress na. Lahat ako,nag aasikaso sa anak ko,pagpapakain,pagpapadede,paglalaba,pag aalaga. Asan yung lip ko? Andito din sa bahay. Walang trabaho. Bakit di ako natutulongan sa anak ko? Laging tulog sa umaga e hanggang hapon. Puyat ng puyat sa gabi umaga na natutulog. Kaya di ako natutulongan. Nakakapagod na ftm palang po ako. Isama pa naten yung biyenan ko na laging utos ng utos sa akin kung anong gagawin ko sa anak ko. Di ako makakilos ng kung anong gusto ko dahil nasa puder ako ng lip ko. Pati sa pagpapakain sa anak ko dapat sila masunod. Papakainin ko ng smashed food like kalabasa,sinasabi saken bat ganyan pinapakain ko kahit di naman nakakalason pinapakain ko sa anak ko. Gusto pa nila na hahaluan ko ng Cerelac yung mga smashed foods na ipapakain ko sa anak ko para daw may vitamins.Di ko sila sinunod,baka naman mamaya sasakit pa tiyan ng anak ko. Parang ayaw nila na breastmilk ko ang ihahalo sa mga smashed food ni baby. Parang diring diri sila na hinahalo ko sa bawat pakain ko sa anak ko.Nag search ako at alam kong yun ang best gawin sa pagpapakain yung hahaluan ng gatas ng ina ang ipapakain sa bata.Gusto ko nalang umuwi sa probinsya atleast magulang ko yung makakasama ko. At makakapagpahinga din ako. Wala akong pahinga dito e ni-lip ko tamad. Puro laro,piling binata. Naiistress na talaga ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If you can go, uwi ka na lang sa parents mo po. Mas makakabuti yun sayo lalo na sa mental health mo po. If you can't, maybe it's best to talk it out with your partner po. Tatay siya ni baby so dapat may ginagawa rin siya, di yung buhay binata po siya.