ADVISE PLS
Ako lang ba dito yung torn between ayaw mo na mag work at palakihin na lang si baby sa tyan since ang hirap mag buntis at maselan ka pero gusto mo mag work kase gusto mo pa din makatulong sa family at sa partner mo since ako lang inaasahan ng family ko.Ewan ko pero ang hirap ng sitwasyon ko #1stimemom #advicepls #pregnancy
If sa tingin mo Momsh na okay naman financially family mo sguro okay lang na hndi ka muna makakapag bigay sa kanila. Nag bbuild ka na ng sarili mong pamilya kaya dapat sa family muna ilaan yung time, effort and sacrifices mo. Kung fit ka pa mag work, go. Kung maselan talaga... gusto mo bang isacrifice yung baby mo para lang may maibigay ka at makatulong ka sa parents and husband mo? Tsaka responsibilidad ng lalaki na iprovide ang pangangailangan nyo dahil sya ang padre de pamilya. I hope maintindhan nila kung sakaling mas pinili mo tumigil mag work. 😊
Magbasa paGanyan din ako mi, gusto ko full time nalang sa bahay at asikasuhin ang mga anak ko, at etong baby sa tyan ko. Hirap na din kc ako pumasok sa work. But hindi naman pwede dahil ako lang ang medyo ok ang sweldo compare sa asawa ko na wala permanenteng trabaho. Hindi ako nag complain sa sitwasyon namin pero deep inside sa sarili ko nakakapagod na din. Pero kakayanin nalang para sa pamilya.
Magbasa pakaya natin to momsh makakaraos din tayo pray na lang talaga para sa safety ng baby natin
Ako po nag LOA ako 3 months palang ako buntis since work ko ay USA company and sa bank ako. Hindi pwede mag change bg time kasi bank nga pinag tratrabahuhan ko. Inoffer sakin 2x a week wfh pero pinili ko parin ung LOA hangang manganak ako then maternity leave. Kasi hirap talaga ako mag work late and byahe ng buntis lalo na minsan constipated o kaya lagi gutom
Magbasa paSundin mo po yung nararandaman mo, kung worth it ba na mawalan muna ng trabaho mababalikan pa naman yan, kausapin nyopo si husband nyo. kase kapag may mangyaring hindi maganda (wag naman po sana) kayo lang mag asawa or mag isa ka lang talaga aahon sa sarili mo. Nag stop ako sa school dahil sa threatened abortion ni baby noon. Nakabalik pa naman po ako sa school. Kaya worth it. ❤️
hmm as breadwinner mhirap po tlg yan.. not unless kaya ni partner mo icover ung monthly expense mo .. ako din gnyan sensitive ang pregnancy pero pinush ko mgwork pdin until 36 weeks of pregnancy since work from home naman atleast nbbyaran ko pdin ung bills ko plus mkpag-ipon para kay baby..
same situation mag 6mos na ako nagwowork parin ako pinipilit ko hirap b ako maglakad ang ang dalas hingalin grabe dagdag pa stress sa work ang late umuwe kaya sa gabi sarap humiga after ng august mag file na ako leave .then mga February na ako babalik mag reresign na ako nun.
Pareho tayo mamshie. Magwowork na dapat ako kaso I found out preggy ako. Hindi ko din alam if tatangap ng preggy staff ang hospital. Gustong gusto ko magwork kasi kelangan tlga.
Same situation sis. First time din, then I have to continue my work. Sa September pa yung wfh setup na nirequest ko. I'm 17 weeks pregnant. Hirap magdecide ng ganyan
hay i hope na makaya natin to hirap sobraaa :(
Kung maselan talaga Wala magagawa bahay lang talaga ,ganyan sa company namin. pero kapag normal nasusuka Hilo back pain, pasok lang daw kame
Same po tayo 🥺 need ko magwork para may pampacheck up. Para din maktulong ky daddy and sa family. Fighting tayo Mam!
piliin mo Po si baby