Pahilot is it safe?

Hi ako lang ba ang takot magpahilot? Sinabihan kasi ako ng byenan ko. Pa 7 months na daw si baby. Natatakot kasi ako kasi sabi ni OB mababa daw ang baby ko. Tas sabi ng byenan ko ipahilot ko na kagaya ng ibang kasabay ko mag buntis, ok nman daw kasi magaling nman yong mang hihilot. Nakailang pahilot na daw yong kasabay ko. Tas ako hindi pa. Kaso sabi ko ayoko po parang nag iba yong expression nya ng sinabi ko. Parang sa tingin nya ang arte ko hays 🥺 #26weekspregnant

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy mag rest ka lang po ganyan po kasi ako nung sa pangalawa kong baby nag pahilot ako nung 7 months tyan ko kasi nga daw po suwe daw po baby ko sabi ng manghihilot pero sinabihan nya din po ako n di n ko aabot sa due date ko kasi pag nag paghilot ka daw maayos n ang posisyon ni baby kay meron talagang pagkakataon na pwd n sya lumabas..un nga po after ko pahilot po one week after nag lakad lang ako pag uwe ko po bahay pumutok n panobigan ko..kaya second baby ko premature pero thanks to god healthy po sya at walang deperesya baby ko now 10years old n po sya

Magbasa pa
Post reply image