On The Rocks.

Ako lang ba ang nakakaexpi na walang gana na ang partner sa sex? Na 1yr and 5mos palang kayo. Yung tipong ikaw na lang lage ang nag aaya tapos tatanggihan ka. Minsan ramdam mo na pinagbibigyan ka nalang. Ilan beses ko na sya kinausap about dito ang sagot nya saken hindi lang daw talaga sya mahilig sa sex. Na hindi ako naniniwala kasi sobrang active namin nung bago palang kame. Naging matumal na kame simula nung nag gain ako ng weight. Tinatanong ko sya dahil ba mataba nako? Ang isasagot nya hindi daw. Alam ko naman na walang ibang babae at lalong wlang ibang lalake. Ang dameng tumatakbo sa utak mo kung bakit? Nakakapraning. Wala naman akong putok. Hindi naman mabaho si Jenjen. Boring ba ako? (Na alam ko naman na hindi) yung mga ganyan. Hahaha! Sa sobrang tumal namin buti nabuntis pa ako. 5mos preggy ako ngayon. Alam na alam nyo to mga momsh na pag buntis lalong mahorny. Lahat ng food na gusto ko binibigay nya as in lahat kahit malayo pa bibilhan nya mag effort sya puntahan. Pero pag si Junjun na yung nirequest ko nako momsh waley itutulog ko nalang. Parang hirap na hirap sya ibigay saken un. Tapos makikita mo may mga porn sa phone nya. Mapapaisip ka nalang mas nag eenjoy sya sa porn at magsolo kesa saken. Yung pakiramdam na nakakababa ng self confidence na hindi na sya nagagandahan saken o di nako attracted. Naiiyak nalang ako. Buntis ka lahat ng emotion nararamdamn mo sabay sabay. Mabait ang partner ko sobrang good provider pero bakit ganun.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hormones lang yan. Baka concern lang sya sayo at sa baby. After manganak make sure na hnd mo mapapabayaan ang sarili mo pra hnd malosyang at hnd ka mwalan ng self confidence.

Pag nanlalamig may ibang pinag-iinitan.